Wednesday, 20 June 2012
'MMK' Features the Inspiring Love Story of Lola Auring for Her Missing Husband Lolo Luis
For two weeks, she went around the city with two “missing person” posters of Luis pinned on her dress. Every day, Lola Auring was full of hope that she and her husband will meet again. Luckily, a good Samaritan was touched with the old lady’s dedication that her picture was posted in one of the social networking sites.
Thousands were inspired with Lola Auring’s true love for Lolo Luis that a campaign was made to help her. With the help of people who learned about her story and saw how she loves her husband so much, Lola Auring was reunited with her beloved husband.
Together with Anita and Tony in the MMK episode are Lara Quigaman, James Blanco, Ruben Gonzaga, Gilleth Sandico, Mymy Davao, Alfred Labatos, Carla Guevarra, Zeppi Borromeo, Mike Lloren, Tanya Gomez, Encar Benedicto, and Kitkat. It was researched by Alexandra Mae Martin, written by Mark Duane Angos, and directed by Mae Czarina Cruz.
Don’t miss another inspiring love story this Saturday in the longest running drama anthology of Asia, Maalaala Mo Kaya (MMK), 7:45 PM, after Wansapanataym on ABS-CBN.
text and photo: ABS-CBN By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer
38th Metro Manila Film Festival – 2012 Official Entries Revealed
Binubuo ito ng 2 comedy, 2 fantasy, 2 horror, 1 historical action-drama at 1 romantic-drama. Naganap ang pag-anunsyo noong Sabado, June 16 sa isang Korean restaurant sa Makati City sa pangunguna ni MMDA Chairman Francis Tolentino.
Mula sa labing-apat na nagsubmit noong nakaraang linggo, narito ang walong pelikulang pinalad na nakapasa at maglalaban-laban sa takilya at parangal sa darating na kapaskuhan.
Conyo Problems (GMA Films)
Genre: Comedy
Main Cast: Bianca King, Aljur Abrenica, Solenn Heussaff, Isabelle Daza and Mikael Daez
To be directed by: Andoy Ranay
El Presidente (Scenema Concepts)
Genre: Historical Action-Drama
Main Cast: Gov. ER Ejercito, Cristine Reyes and Nora Aunor
To be directed by: Mark Meily
Mga Kuwento Ni Lola Basyang (Unitel)
Genre: Family Adventure
Main Cast: Richard Gomez, Zsa Zsa Padilla, Iza Calzado, Paolo Contis, Rufa Mae Quinto, Empress Shuck and Sam Concepcion
To be directed by: Mark Meily & Chris Martinez
One More Try (Star Cinema)
Genre: Romance-Drama
Main Cast: Angel Locsin, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo and Dingdong Dantes
To be directed by: Ruel S. Bayani
Shake Rattle & Roll 14 (Regal Films)
Genre: Horror
Main Cast: Vhong Navarro, Lovi Poe, Dennis Trillo, and Iza Calzado
To be directed by: Chito S. Rono
Si Agimat Si Enteng & Me (Octo Arts Films, M-Zet Productions, Imus Productions, APT Entertainment, and GMA Films)
Genre: Action-Fantasy
Main Cast: Vic Sotto, Ramon “Bong” Revilla, Jr. and Judy Ann Santos
To be directed by: Tony Y. Reyes
Sisteraka (Star Cinema & Viva Films)
Genre: Comedy
Main Cast: Kris Aquino and Vice Ganda
To be directed by: Wenn Deramas
The Strangers (Quantum Films)
Genre: Horror
Main Cast: Julia Montes, Enrique Gil, Enchong Dee, Jaime Fabregas, and Cherry Pie Picache
To be directed by: Lawrence Fajardo
Kapansin-pansin na wala ngayon ang Reyna ng Komedya na si Ms. Ai Ai Delas Alas na ilang taon na ring lumalahok sa naturang festival at halos lahat ng kaniyang pelikula ay nag no. 1 sa takilya. Sa kabila naman nito, pumalit sa kanya ang kapwa komedyante na si Vice Ganda na maituturing na kauna-unahang pelikula niya na magiging kalahok sa MMFF. Makakalaban niya for the first time rin ang mga Hari ng MMFF sa takilya. Sina Bossing Vic at Sen. Bong. Uubra kaya ang Horse Power ni Vice kay Agimat at Enteng? Hmm..
Bukod kay Sen. Bong at Bossing Vic, join pa rin ngayong taon sa Festival sina Kris Aquino, Gov. ER Ejercito, Iza Calzado, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Dingdong Dantes, Lovi Poe at Dennis Trillo.
Kung may nawala sa sirkulasyon ngayong taon, nagbabalik naman sa Festival sina Nora Aunor, Richard Gomez, Zsa Zsa Padilla, Vhong Navarro at Angel Locsin. Aside sa mga bigating aktor at aktres, patitingkadin pa lalo ang MMFF ngayong taon ng mga bagong artista katulad nina Julia Montes at Enrique Gil.
Narito naman ang mga pelikulang hindi pinalad makasama sa opisyal na listahan ng 38th MMFF...
Sa ‘Yo Ang Sinapupunan (Thy Womb) – (CenterStage Productions, Solar Films)
Main Cast: Nora Aunor, Bembol Roco and Lovi Poe
To be directed by: Brillante Mendoza
Ben Tumbling (Scenema Concepts)
Main Cast: Jericho Ejercito and Kris Bernal
To be directed by: Joven Tan
Tuhog (Quantum Films & Star Cinema)
Main Cast: Eugene Domingo, Robert Arevalo and Enchong Dee
To be directed by: Veronica Velasco
My Prince Charming (Deus Lux Mea Films)
Main Cast: Iza Calzado and Mario Maurer
To be directed by: Adolfo Alix, Jr.
Death March (Deus Lux Mea Films)
Main Cast: Cesar Montano, Zanjoe Marudo and Jason Abalos
To be directed by Adolfo Alix, Jr.
Juan de la Cruz (Cinemedia Films)
Main Cast: Coco Martin, Jake Cuenca, Maja Salvador and Albert Martinez
To be directed by: Richard Somes By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer
Karla Estrada, masaya sa career ni Daniel Padilla
Unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan ang binatang anak ni Karla Estrada  na si Daniel Padilla sa showbiz bilang isang magaling na aktor at maging isang singer. Masaya naman ang ina ng aktor dahil sa magandang nangyayari sa career ng kaniyang panganay na anak. Nagpapasalamat si Daniel sa kaniyang mga magulang dahil sa kanila umano nakuha ang kaniyang talento sa pag-arte. Bukod sa pagiging artista ay isa ring singer noon si Karla noong siya ay nasa showbiz pa lamang kung kaya maaaring sa kaniya nakuha ni Daniel ang galing sa pagkanta.
Aminado ang dating aktres na si Karla Estrada na napabilib siya ni Daniel Padilla lalo na at unti-unti na umanong gumagaling sa pag-arte ang binata.
Ipinagmamalaki ni Karla ang natural na pag-arte ni Daniel lalo pag nasa harap na ito ng kamera. Pansin ni Karla Estrada na hindi nag-e-effort masyado si Daniel Padilla sa kaniyang pag-arte pero napapanatili naman daw nito ang maganda ang kaniyang trabaho. Maging ang ratings ng serye ng kaniyang anak ay gumaganda kung kaya mas lalo pa siyang nagiging proud maging ina ng binata. Habang tumatagal ay nagiging abala na si Daniel dahil sa kaniyang trabaho lalo na at nagkaroon na ito ng kaniyang first album. Ngayon ay naging mas maluwag naman si Karla sa kaniyang panganay na anak.
Inamin ni Karla Estrada na noong bata pa si Daniel Padilla ay hindi niya ito pinapalabas nang mag-isa. Natutuwa rin siya dahil hindi lakwatserong binata si Daniel kung kaya hindi na siya nag-aalala sa binata. Binuko naman ni Karla Estrada ang anak na bukod sa pagpunta sa trabaho ay madalas na binibisita ng binata ang kaniyang leading lady na si Kathryn Bernardo sa tahanan nito. Hindi naman daw lumalaki ang ulo ni Daniel Padilla kahit pa gumaganda na ang takbo ng kaniyang career. Kuwento ni Karla, nananatiling normal naman na teenager si Daniel lalo pag ito ay nasa tahanan nila.
Maging ang pera ay hindi naging isyu para sa binata dahil walang naririnig ang dating aktres na reklamo galing sa anak. Pero ang pagiging makulit umano ni Daniel Padilla ay maaaring hindi na maaalis para kay Karla Estrada. Sinusubukan naman daw nito na ibigay ang kaniyang buong suporta sa binata. Sa naganap na album launch ng aktor ay sinurpresa ito ng kaniyang mga magulang. Hiwalay na ang ina nito at ng aktor na si Rommel Padilla pero maganda naman daw ang kanilang komunikasyon. Kapag nakikita raw kasi ni Daniel na magkasama ang kaniyang mga magulang ay gumaganda umano ang pakiramdam nito.
Maging sa pakikitungo ni Daniel Padilla sa kaniyang mga kapatid ay wala naman daw nagbago. Ayon kay Karla Estrada, wala naman masyadong nagbago sa set-up ng kanilang pamilya dahil naging natural lang naman daw ang kanilang pagmamahalan. Ibinuko naman ni Karla kung gaano kaharot si Daniel pagdating sa kaniyang mga kabanda at maging ang kaniyang dingding sa kuwarto ay nabutas na dahil sa pakikipagkulitan nito. Ramdam pa rin ni Karla Estrada ang pagiging bata ni Daniel Padilla lalo na kapag kasama nito ang kaniyang mga kaibigan.
Maja Salvador, panalo ng Urian Award
Hindi inaasahan ni Maja Salvador ang kaniyang natanggap na Urian Award sa kategoryang Best Actress. Ito ay dahil sa mahusay na pagganap ni Maja sa pelikulang Thelma. Isang indie film ang pinagbidahan ni Maja Salvador na nakatulong sa kaniya na masungkit ang kaniyang pinakamimithing Urian Award. Ito ang unang pagkakataon na makakuha ng prestihiyosong parangal si Maja dahil hindi niya naman umano ito inaasahan. Kasama ni Maja Salvador ang iba’t-ibang mabibigat na pangalan sa industriya ng showbiz na kaagaw niya sa Urian Award bilang Best Actress.
Sa ibinigay na acceptance speech ni Maja ay nabanggit niya ang mga mahuhusay niyang katunggali na sina Cherry Pie Picache, Alessandra de Rossi at Eugene Domingo na mga kilalang magagaling na aktres ng indie film. Hindi itnanggi ni Maja Salvador na umasa siya na ang mag-uuwi ng Urian Award ay ang kaniyang iniidolo na komedyante na si Eugene. Ayon kay Maja Salvador, napakahirap umano patawanin ang mga manonood kung kaya isa lamang magaling na artista ang makakagawa nito.
Nang tinawag ang pangalan ni Maja Salvador sa pagkapanalo nito ng kaniyang Urian Award ay hindi agad nakatayo ang dalagang aktres. Tila huminto raw ang lahat sa kaniyang paligid at nanigas ang kaniyang buong katawan sa kaba at pagkabigla. Kung hindi pa raw siya kinausap ng kaniyang road manager ay hindi pa raw siya makakatayo sa kaniyang kainuupuan para tanggapin ang kaniyang Urian Award. Nang tumayo naman daw si Maja Salvador ay tila nahirapan pa siyang huminga.
Sa pag-akyat ni Maja sa entablado ay wala nang tigil ang pag-iyak nito. Ipinaliwanag naman ni Maja Salvador kung bakit masyado siyang naging emosyonal sa panahong iyon. Aniya, bawat artista ay naghahangad ng isang Urian Award. Naitanong pa nga raw ni Maja sa kaniyang sarili kung bakit siya nanalo. Pakiramdam ni Maja Salvador ay hindi pa raw sapat ang kaniyang award na nakuha dahil bilang isang dalagang artista ay marami pa siyang kailangang matutunan sa kaniyang trabaho. Â Hindi rin nakalimutan ng dalaga na magpasalamat sa kaniyang namayapang ama nang tanggapin niya na ang kaniyang Urian Award sa harap ng maraming manonood. Nagpasalamat din si Maja Salvador sa mga taong nasa likod ng ginawa niyang pelikula dahil kung wala umano ang mga ito ay hindi matutupad ang kaniyang pangarap na maging isa sa pinakamagaling na aktres sa industriya.
Full Story @ Tsismoso