Inamin ni Barbie Forteza na wala na silang komunikasyon ng kaniyang dating leading man na si Joshua Dionisio. Ito ay mapa-text man o mapa-Twitter. Kasalukuyang naka-leave si Joshua sa showbiz dahil ipinagpatuloy nito ang kaniyang pag-aaral. Huling nakasama ni Barbie ang binata sa afternoon romance-drama na Ikaw Lang Ang Mamahalin noong 2011. Paliwanag naman ni Barbie Forteza, wala na siyang oras para makapag-text o gumamit ng Twitter para kausapin si Joshua Dionisio dahil na rin sa kaniyang abalang trabaho. Kapag dumadating umano ang dalaga sa set ng kaniyang teleserye ay wala na siyang panahon para pumunta sa standby area.
Ayon kay Barbie, marahil ay abala rin si Joshua sa kaniyang pag-aaral lalo na at kasalukuyan itong nasa fourth year high school. Hindi naman daw nagkaroon ng pagkakataon si Joshua Dionisio na makapagpaalam kay Barbie Forteza sa panandalian nitong pag-alis sa showbiz. Hindi na raw nila ito masyadong pinag-usapan dahil hindi naman daw ito big deal para sa kanila. Aminado si Barbie na ayaw niyang magpaalam kay Joshua dahil gusto niya pa rin na bumalik ang binata sa showbiz matapos ang kaniyang pag-aaral.
Nasasayang din daw si Barbie Forteza sa mga naipundar ni Joshua Dionisio sa showbiz bilang isang artista. Naniniwala si Barbie na babalik din ang kaniyang leading man sa industriya kapag may pagkakataon. Ang kasalukuyang leading man ngayon ng dalaga sa kaniyang bagong teleserye ay si Derrick Monasterio. Hindi naman daw pinagkukumpara ni Barbie Forteza si Joshua Dionisio sa bago niyang kapareha  dahil hindi naman daw ito tama. Ang napansin lamang daw ng dalaga sa dalawang binata ay pareho itong makukulit.
Full Story @ Tsismoso
Masyang-masaya si Lovi Poe sa tagumpay ng kaniyang pelikula na Tiktik: The Aswang Chronicles na kumita na ng halos P70 million sa loob lamang ng anim na araw. Kasama rin dito ng aktres ang bida sa pelikula na si Dingdong Dantes. Nagpapasalamat si Lovi na naging parte siya ng Tiktik lalo na at nakikita niya kung gaano kalakas ang suporta ng mga Filipino rito. Pinuri rin ang magandang computer graphics at kabubuuan ng pelikula nina Lovi Poe. Naniniwala ang aktres na teamwork ang isa sa mga naging dahilan kung bakit naging matagumpay ang naturang pelikula.
Marami rin ang nakapansin sa magandang chemistry ni Lovi at Dingdong na pinasalamatan naman ng aktres. Malaki raw ang paghanga ng dalaga sa leading man nito bilang isang mahusay na aktor. Kung sakaling mabigyan naman daw ng pagkakataon si Lovi Poe na muling makatrabaho ang binata ay mas magiging masaya siya rito. Hindi naman daw malayo na magkaroon ng proyekto ang dalawa dahil pareho naman silang Kapuso talent. Kasalukuyang abala ang dalaga sa kaniyang teleserye sa Kapuso network at masaya sa nalalapit nitong pagpapalabas.


