Namataan si Kim Chiu na todo ang pag-cheer sa isang event na dinaluhan ni Xian Lim sa naganap na Star Magic Sports Fest. Itinanggi naman ng The Healing star na sinagot niya na ang manliligaw at iginiit na nag-e-enjoy lamang daw sila sa kanilang kasalukuyang sitwasyon. Aminado si Kim na ninerbyos siya sa laro ni Xian kung kaya nang malapit na itong matapos ay umalis na ang dalaga dahil halos magkadikit na ang iskor ng magkalabang kupunan. Biniro pa nga si Kim Chiu kung susuportahan niya rin si Gerald Anderson na nakalaban ng kupunan ni Xian Lim sa basketball. Napangiti na lamang ang dalaga nang tanungin sa kaniya ang patungkol sa panunuyo ng aktor sa kaniya.
Kasalukuyang gumagawa ng teleserye sina Xian at Kim na masusundan din ng isang pelikula sa ilalim ng Star Cinema. Pagdating sa panunuyo ng binata ay inamin naman ni Kim Chiu na consistent naman ito. Napapabalitang hindi lamang ang aktres ang nililigawin ni Xian Lim kundi pati na rin ang pamilya nito. Sapat na raw na masaya ang dalawa kapag sila ay nagkakasama dahil mas mahalaga raw ito para sa kanila.
Oras lamang daw ang makakapagsabi kung ano ang kahihinatnan ng panliligaw ni Xian kay Kim. Hindi naman itinanggi ng aktres na natutuwa siya sa feeling na sinusuyo siya ng binata. Ngayon ay maituturing ng aktres na si Xian Lim na ang pinakamalapit na lalakeng kaibigan sa kaniya. Madalas din namang lumalabas ang dalawa pero kasama pa rin umano ni Kim Chiu ang iba pang malalapit nitong kaibigan. Sa ngayon ay ipagpapatuloy pa rin ng dalawa ang kanilang magandang samahan bilang magkaibigan at hindi na magpapaaepekto sa mga intriga.
Full Story @ Tsismoso
Natutuwa naman ang binata na si Paul Salas nang inihayag ng PBB Big Winner na si Myrtle Sarrosa na ang aktor ang crush nito sa showbiz. Napanood daw noon ni Paul si Myrtle sa PBB at napag-usapan nila ng kaniyang mga kaibigan kung sino ang pinakamaganda sa reality show at pinili niya noon ang dalaga. Naniniwala raw si Paul Salas na mananalo si Myrtle Sarrosa sa PBB Teen Edition kung kaya nang mangyari ito ay masayang-masaya ang binata. Kamakailan lang ay nagkita na ang teen housemate at si Paul sa isang taping. Ang lakas daw ng appeal ni Myrtle para kay Paul kung kaya lalo pang humanga ang binata sa cosplayer.
Halos tatlong taon ang tana ni Mrytle kay Paul pero wala naman daw sa isip ng aktor na manligaw sa ngayon dahil batang-bata pa umano siya para rito. Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay hindi na kinokonsidera ni Paul Salas ang ideyang panliligaw kay Myrtle Sarrosa. Dinepensahan din ng binata ang kaniyang bagong kaibigan mula sa kaniyang mga detractors. Simula nang manalo si Myrtle sa reality show ay marami na ang mga lumalabas na haters nito partikular na sa Internet. Kasalukuyang inuugnay ang dalaga sa kaniyang housemate na si Yves Flores na sinasabing masugid na manliligaw ng dalaga. Naniniwala si Paul Salas na isang mabuting tao si Myrtle Sarrosa kung kaya hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng ilan patungkol sa dalaga.
Marami ang nakapansin sa pagiging blooming ng dalagang si Sarah Lahbati kung kaya biniro siya ng mga press kung si Richard Gutierrez ba ang dahilan kung bakit maganda ang kaniyang aura ngayon. Maugong ang balitang nililigawan umano ni Richard ang dalagang si Sarah na kaniyang leading lady sa primetime series na Makapiling Kang Muli. Pinasinungalingan niya rin ang mga balitang binabakuran na umano siya ng binata kahit saan man siya magpunta at kahit ano ang kaniyang ginagawa. Kamakailan lang ay naging guest si Sarah Lahbati sa programa ni Richard Gutierrez na Pinoy Adventures na kinunan pa sa Bukidnon. Nagualat din daw si Sarah nang sabihan siya na magiging guest ito sa naturang programa ng kaibigang si Richard.
Dumalaw daw noon ang manager na si Annabelle sa set ng teleserye nina Richard at Sarah at nagdala ng sampung Lechong Cebu. Nagtataka naman daw si Sarah sa maling tingin ng iba sa ina ni Richard Gutierrez dahil napakabait at maalaga raw talaga ito. Nagustuhan naman ng 18-taong-gulang na si Sarah Lahbati sa kaniyang leading man ang pagiging mabait nito sa kahit sinong tao lalo na sa mga maliliit na miyembro ng production. Napaka propesyal din umano ni Richard ayon kay Sarah kung kaya mahal na mahal siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Kinilig naman ang binatang si Kean Cipriano nang sabihin sa kaniya ng press na nabanggit ni Bangs Garcia na puwede niyang i-entertain bilang manliligaw ang Callalily vocalist. Tila hindi naman makapaniwala si Kean sa kaniyang narinig at nahalata pa lalo ang kasiyahan nito. Kasama ni Bangs ang binata sa kanilang pelikula na The Reunion na nagkaroon ng press conference noong July 31 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Magkapareha rin sina Kean Cipriano at Bangs Garcia sa naturang pelikula kaya lalo pang naging interisado ang mga press sa kanilang samahan.
Naghahanap lamang daw ng magandang timing si Kean Cipriano kung kailan niya pwedeng ligawan ang dalagang si Bangs Garcia. Hindi naman daw basta-basta pipilitin ng binata ang kaniyang intensyon dahil pareho silang abala sa kani-kanilang mga trabaho. Kasalukuyang gumagawa ng soap opera si Bangs at alam umano ni Kean kung gaano ito kahirap ang schedule ng isang may teleserye kukng kaya ayaw niya umanong maka-istorbo pa rito. Gusto rin linawin ni Kean Cipriano na hindi niya sinasabi ang paghanga kay Bangs Garcia dahil sa kanilang love team.
Marami ang nakahalata sa tila malungkot at seryosong mood nina Enchong Dee at Julia Montes sa naganap na press conference ng kanilang pelikula na The Reunion. Kasama rin ng dalawa ang iba pang Star Magic talent sa naturang proyekto. Nanibago umano ang ilang press sa mga seryosong sagot ni Enchong sa ilang katanungan samantalang si Julia naman ay napaghalataang malungkot sa buong oras ng presscon. Kahit hindi pa kinukumpirma nina Enchong Dee at Julia Montes na may relasyon na sila ay naunahan na ito ng balitang break na umano sila.
Hindi itinanggi ni Enchong Dee na nagpapahiwatig nga siya kay Julia Montes at kitang-kita na nag-e-effort ang binata para maghintay sa aktres. Ngayon lamang daw nakita ng mga tao na nagpakita ng ganitong interes si Enchong sa isang babae. Hindi naman daw mapaliwanag ng aktor ang pangyayaring ito dahil minsan ay nangyayari na lang ito. Minsan ay nararamdaman naman daw ng binata na sinusuklian ni Julia ang kaniyang mga pinapakita. Aniya, nilalagyan niya na lang ng meaning kahit minsan ay walang ibig sabihin.