Nabibigyan ng kulay ngayon ang madalas na pagsasama ng sexy actress na si Lovi Poe at binatang si Jake Cuenca dahil exclusively dating umano ang dalawa. Kasabay pa ni Lovi si Jake sa ginanap na press launch ng YES! 2012 100 Most Beautiful Stars kamakailan lang. Naitanong kay Lovi Poe kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ngayon ng nauugnay sa kaniya na si Jake Cuenca. Ayon sa dalaga, hindi naman dahil natapos na ang proyekto nila noon ng binata ay hindi na na sila pwedeng magkasama at lumabas. Aminado si Lovi na espesyal nga ang pagkakaibigan nila ngayon ni Jake at ito raw ang ikinaganda ng kanilang pagiging magkaibigan. Hindi rin daw nawala ang komunikasyon sa pagitan ng dalawa matapos ang kanilang ginawang pelikula.
Sa ngayon ay naghahanda na sina Lovi Poe at Jake Cuenca sa bagong pelikula na kanilang pagsasamahan. Ito ay ang indie film na Lihis sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan. Matatandaang unang nagkatambal sina Lovi at Jake sa pelikulang My Neighbor’s Wife na naging dahilan umano para mabuo ang espesyal na pagkakaibigan. Excited na rin daw ang aktres dahil bagamat hindi niya naging leading man ang aktor sa dating pelikula ay naging malapit na sila sa isa’t-isa. Ngayon ay magkakaroon na sina Lovi Poe at Jake Cuenca ng eksenan kung saan sila ay magkasama.
Gaganap na mag-asawa ang dalawa sa kanilang bagong proyekto kung kaya mas lalo pa umanong na-excite si Lovi at Jake. Magkakaroon din ng love scene si Jake Cuenca sa kaniyang kapwa aktor na si Baron Geisler kung kaya nagbiro si Lovi Poe na mas excited siya sa magiging eskena ng dalawang binata. Magkaibang network ang kinabibilangan nina Lovi at Jake pero hindi naman umano nagiging sagabal ang kanilang mga istasyon sa kanilang pagsama sa naturang proyekto. Nagpapasalamat naman si Lovi Poe dahil nabigyan silang dalawa ni Jake Cuenca ng pagkakataon na makatrabaho ang isa’t-isa.
Para kay Lovi, bagay na bagay umano si Jake sa ibinigay na karakter para sa kaniya kung kaya ito ang dahilan kung bakit itinuturing niya ang sarili na maswerte sa ibinigay na trabaho. Bilib din umano siya sa galing ng aktor at wala siyang pagsisisi na tinanggap niya ang proyektong ito. Iginigiit ni Lovi Poe na matalik lamang daw silang magkaibigan ni Jake Cuenca dahil siya mismo ay hindi pa rin daw handa pumasok sa isang relasyon. Sa ngayon ay mas focus daw sina Lovi at Jake sa kanilang mga trabaho bilang artista. Pinasinungalingan naman ni Lovi Poe ang mga lumalabas na balitang exclusively dating sila ngayon ni Jake Cuenca.
Full Story @ Tsismoso
Inamin na ng binatang aktor na si Jake Cuenca na mayroon nang babaeng espesyal at nagpapasaya kaniya ngayon na nasa showbiz. Bagamat single ay kasalukuyan naman daw na nakikipag-date ang binata at malakas ang bulung-bulugan na ito raw ay ang dalagang si Lovi Poe. Noong isang taon ay matatandaang naugnay na sina Jake at Lovi matapos nilang magsama sa isang pelikula. Iginiit ni Jake Cuenca na wala siyang balak na madaliin ang kanilang oras ni Lovi Poe dahil pareho naman daw silang abala sa kanilang trabaho. Kahit pa hindi pinangalanan ni Jake si Lovi na babaeng kaniyang dinidate ay halata naman daw ito dahil madalas na magkasama ang dalawa.
Isang bagong pelikula ang pagbibidahan nila ni Lovi Poe kung kaya inaasahang lalo pang magiging malapit ang dalawa sa isa’t-isa. Ito na ang pangalawang beses na makakatrabaho nina Lovi at Jake ang isa’t-isa kung kaya hindi na umano sila makakaramdam ng pagkailang. Inamin naman ng dalagang aktres na si Lovi Poe na hindi pa siya handa pumasok sa isang relasyon pero para kay Jake Cuenca hindi niya naman daw minamadali ang dalaga. Mas mabuti na raw na ine-enjoy muna nilang dalawa kung ano ang mayroon sila sa kasalukuyan.


Inamin ni Robin Padilla sa mga press na totoong pinagbawalan niya na ang asawang si Mariel Rodriguez na magtrabahong muli sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi Showbiz Exposed. Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Mariel sa insidenteng nangyari kung saan nagkaroon ng pag walk-out ang isa sa mga host ng programa dahil sa nabastos umano ito sa ginawang segment. Ang host na tinutukoy ay ang dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez na hindi nagustuhan ang ibinigay sa kaniyang surpresa ng sariling programa.
Hindi naman mapapanood si Mariel Rodriguez sa programa ngayong darating na weekend. Para kay Robin Padilla mahirap na umano makaaway ang ina ng sangkot sa gulo. Ayaw niya umanong magkaroon pa ng gulo ang pagsasama nila ni Mariel dahil matahimik na silang nagsasama. Ayaw din ni Robin na mahaluan pa ng kaaway sa showbiz dahil maliit lamang ang mundong ito. Sapat na rin daw para kay Robin Padilla na isa lamang ang programa ni Mariel Rodriguez lalo na at tinutulungan nila ang maraming tao.
Dalawang taon na ang nakakaraan nang magpakasal si Rica Peralejo sa pastor na si Joseph Bonifacio kung kaya nasa plano na umano ng mag-asawa ang magkaroon ng kanilang panganay na anak. Matatandaang nag-aral si Rica sa Ateneo ng kursong English Literature bago pa ito magpakasal kay Joe. Kamakailan lang ay nagtapos na si Rica Peralejo sa kursong ito at nagpapasalamat siya sa ibinigay na suporta at pagmamahal ng kaniyang pamilya partikular na ng asawang si Joseph Bonifacio. Bagamat balik-telebisyon pa rin si Rica matapos ang kaniyang kasal ay hindi siya madalas magkaroon ng proyekto dahil inuuna niya umano ang kaniyang pag-aaral. Pinaghahandaan ngayon ni Rica Peralejo ang muli niyang pagbabalik ng showbiz ngayong tapos na siya sa pag-aaral.
Aktibo rin daw si Rica sa kanilang simbahan ni Joe lalo na at tapos na siya sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Para kay Rica Peralejo, malaki ang naitulong ng kaniyang pag-aaral sa kaniyang buhay. Aniya, malaking fulfillment ang pagtatapos niya dahil alam niya mismo na napunan niya na ang mga kulang sa kaniyang pagkatao. Masaya siya at katulong niya si Joseph Bonifacio sa paglampas ng isa sa mga pinakamahalagang kabanata sa kaniyang buhay.
Hindi pa rin makapaniwala ang baguhang aktor na si Richard Yap sa bagong teleserye na ibinigay sa kaniya kung saan isa siya sa magiging bida. Si Richard o mas kilala bilang Papa Chen ay magsisimulang mapanood sa panghapong serye na Be Careful With My Heart sa Kapamilya network. Gaganap si Richard Yap bilang leading man ng bidang aktres na si Jodi Santamaria.
Natatawa rin si Richard dahil ang mga taong ayaw siya noong makita ay  nagpapakita na sa kaniya. Maging ang hindi niya mga kamag-anak ay nagpapakilala na bilang kamag-anak niya ngayon. Wala pang isang taon sa showbiz si Richard Yap pero nabigyan na ito agad ng magandang proyekto na Be Careful With My Heart simula sa July 9. Bagamat kabado sa kaniyang unang lead role ay umaasa si Richard Yap na tatangkilikin ito ng mga tao. Gaganap bilang isang balo si Richard kung saan makikilala niya ang magiging karakter ni Jodi na gaganap namang yaya ng mga anak ng aktor. Masaya din si Richard Yap dahil buong-buo ang suporta ng kaniyang pamilya sa kaniyang bagong tinahak na landas.