
Parehong kilala bilang mang-aawit sa Korean music scene, naging ganap na aktor at aktres sina Minho at Sulli sa Korean version na ito ng hit Taiwanese soap na "Hana Kimi" dahil dito nila natanggap ang kanilang unang acting awards bilang best newcomer at best couple sa 2012 SBS Drama Awards.
Sundan ang kuwento ni JC Goo, isang Koreanang nakatira sa Estados Unidos at maiin-love sa high jump athlete na si Paul John Kang matapos niya itong mapanood sa telebisyon. Iidolohin niya si Paul John at magsisilbing inspirasyon niya sa buhay.
Magbabago ang mundong ginagalawan ni JC ng mapag-alamang naaksidente si Paul John at posibleng tapusin na ang karera sa larangan ng track and field. Dahil dito, babalik ng Korea si JC at papasok sa eskwelang pinapasukan ni Paul John nang sa gayon ay makumbinse niya ito na ipagpatuloy pa ang kanyang mga laban.
May isang balakid lang sa misyong ito ni JC— si Paul John ay pumapasok sa isang all boys high school at kinakailangan niyang magpanggap na lalaki para makapasok ditto.
Hanggang kalian kayang magpanggap ni JC? Maitago niya kaya ang kanyang nararamdaman kung kasama niya sa iisang kwarto ang pinakamamahal niyang si Paul John? Magtagumpay kaya siya sa kanyang misyon? Paano tatanggapin ni Paul John na si JC ay isa palang babae at ginawa niya ang lahat ng pagbabalatkayo para lang sa kanya?
Napanood din sa ABS-CBN ang Taiwanese version ng "Hana Kimi" tampok ang Taiwanese hearrthrob na si Wu Chun at Taiwanese sweetheart na si Ella Chen noong 2008.
Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng nakakakilig na kuwento ng "To the Beautiful You" ngayong Lunes (April 15), pagkatapos ng "Pinoy True Stories" sa first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon



Parehong excited ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa kanilang nalalapit na concert na pinamagatang Silver na magaganap sa Mall of Asia Arena ngayong November 16. Ayon sa mister ng Asia’s Songbird na si Ogie, hindi umano niya nakikitaan ng stress ang asawang si Regine sa naturang concert. Sa dinami-raming concert na ginawa ng asawa ay ito na umano ang natatanging concert na nahalata niyang relaxed na relaxed ang asawa. Naniniwala si Ogie Alcasid na maaaring ang pagiging ina ni Regine Velasquez ang naging dahilan kung bakit mas naging confident na ito sa kaniyang sarili.
Matapos ang concert ng mag-asawa ay didiretso ang mga ito sa kanilang bakasyon. Plano umano nila na pumuntang Amanpulo at magiging bahagi na rin umano ito ng silver anniversary ng Asia’s Songbird sa showbiz. Hindi naman daw alam nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez kung doon na nila masusundan ang kanilang Baby Nate. Kung sakaling matuloy naman daw ang pangalawang pagbubuntis ni Regine ay umaasa si Ogie na hindi magiging mahirap para sa asawa ang pagbubuntis nito.
Isang pelikula ang pagbibidahan ng magkasintahang Bea Alonzo at Zanjoe Marudo bilang bahagi ng pelikulang 24/7 In Love na inihahandog ng Star Cinema. Bading ang magiging role ni Zanjoe sa naturang pelikula at totoong nailang umano siya sa karakter na kaniyang ginampanan. Hindi umano siya nakapaghanda agad dahil biglaaan ang shooting ng pelikula nila ni Bea. Kinabahan naman daw ang dalaga nang unang malaman ang magiging proyekto nila ng kaniyang nobyo. Aminado si Bea Alonzo na natakot siyang makaramdam ng kaba sa pakikipagtrabaho kay Zanjoe Marudo.
Napabilib naman si Zanjoe Marudo kay Bea Alonzo dahil lumalabas umano ang pagiging propesyonal nito sa industriya. Tila alam na alam na umano ng aktres ang gagawin nito sa bawat eksena. Sa tuwing kakailanganin na raw ng emosyon ay agad na nakukuha ito ni Bea kumpara sa baguhang katulad ni Zanjoe. Maging si Bea Alonzo naman ay napabilib din kay Zanjoe Marudo dahil na rin sa isang challenging nitong role bilang bading. Hindi itinatanggi ng dalawa na masayang-masaya nga sila sa kanilang kasalukuyang relasyon at umaasa sila na sila na nga hanggang sa huli.


