Ayon pa sa aktres, malaking regalo na para sa kanya ang magagandang feedback na natatanggap para sa programang pinagbibidahan nila nina Eula Valdes, Nikki Gil, at Ejay Falcon. Aniya, "Masaya ako kasi ramdam ko na talagang araw-araw na sinusubaybayan ng mga tao 'yung show namin. Abangan nila kasi sa mga susunod na episodes, magiging close si Sheryl (Empress) kay Olivia (Eula) at magiging magkaibigan sila ni Jenny (Nikki)."
Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng "Mundo Man ay Magunaw," tunghayan ang labis na pagkamuhi ni Doña Alicia (Tessie Tomas) sa ginawang pakikialam ni Olivia sa kasunduang dapat ay sasagip na nalulugi nang negosyo ng mga La Peña. Madadamay rin sa galit ng matanda ang apo nitong si Jenny.
Tutukan sa susunod na linggo kung paanong sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay biglang makakasama na ni Olivia ang matagal nang nawalay na panganay na anak. Ano ang gagawin ni Doña Alicia para mabawi ang apo? Tutulungan ba ni Sheryl si Olivia na itago si Jenny? Lumabas na rin kaya ang katotohanang si Sheryl ang inaakalang nang patay na bunso ni Olivia?
Huwag bibitaw sa de-kalibreng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN, ang “Mundo Man ay Magunaw,” araw-araw, 2:30pm, pagkatapos ng “It’s Showtime.” Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sawww.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa Twitter, o i-‘like’ ang facebook fanpage ng show nahttp://www.facebook.com/mundomanaymagunaw.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment