Tuwing Pebrero, buwan ng mga puso, patok na usapin lalo na ng mga sawi sa pag-ibig ang bisa ng iba't ibang uri ng gayuma. At ngayong Sabado (Pebrero 11), sa ‘Love Potion’ episode ng “Maalaala Mo Kaya,” isang totoong kuwento ang magpapatunay na walang katapat na gayuma ang tunay na pagmamahal.Matapos ang ilang beses na pagkaka-basted, nagawang mapasagot ni Lenny (Alfred Vargas) si Yvonne (Bianca Manalo) dahil sa walang sawa niyang panliligaw rito. Sa saya ng kanilang relasyon, napapayag pa ng binata ang kasintahan sa isang kasal. Ngunit sa kasawiang palad, umurong sa kasunduan si Yvonne. Dahil sa labis na kabiguan, desidido si Lenny na gawin ang lahat, maging ang gumamit ng gayuma, mabawi lamang ang pag-ibig ng kaisa-isang babaeng minahal niya. Umepekto nga kaya ang love potion na ginamit niya? O mas kamumuhian siya ni Yvonne sa sandaling malaman nitong pinaglaruan ang kanyang damdamin?
Kasama rin sa ‘Love Potion’ episode sina Rio Locsin, Bembol Rocco, Alfred Labatos, Bea Nicholas, Mark Joshua Sayarot, Richard Yap, Wendy Valdez at Joyce So. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Ayoy Ramos, panulat ni Joan Habana, at direksyon ni Lino Cayetano.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment