Matagal na ngang pinupuntirya ng media ang kawalan ng love life ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ngunit sa wakas ay may magpapangiti na rin sa kanya ngayong Araw ng mga Puso sa pagdating ng bagong ‘apple of the eye’ niyang DJ, TV host at interpreter na si Grace Lee.Bukas (Feb 14) sa “Patrol ng Pilipino,” mas kilalaning maigi ang 29 taong gulang na Koreana sa ulat ng showbiz reporter na si Marie Lozano. Silipin ang buhay ni Grace, alamin kung paano sila nagkakilala ni PNoy, at kung paano nabago ang kanyang buhay sa pagkakadikit ng kanyang pangalan sa pangulo.
Sa kabila ng 23 taong agwat sa kanilang edad, papasa ba siya sa mapanuring mata ng sambayanang Pilipino bilang kasintahan ng pangulo?
Samantala, tutunguhin naman ni Jorge Cariño ang Dumaguete City na kamakailan ay niyanig ng matinding lindol kasama ng ilang bayan sa Negros Oriental. Pakinggan mula sa mga eksperto ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang paliwanag sa nangyaring lindol at pagguho na nagdulot ng matinding trauma at pagkabahala sa mga naapektuhan nito.
“Lalong pinatibay ng sitwasyon na ‘yun ang hangarin ko sa trabaho ng magpagpapalaganap ng impormasyon para sa bawat isa sa atin at ang maging instrumento ng pagtulong sa kapwa para kumilos palayo sa pinsala at pagbangon mula sa problema,” ani Jorge.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment