Sunod-sunod na awards ang hinakot kamakailan ng isa sa mga bida ng "Walang Hanggan" na si Coco Martin. Kinilala siya bilang 'Natatanging Aktor ng Dekada' ng Gawad Tanglaw Awards at 'Best Actor' naman ng KBP Golden Dove Awards, PMPC Star Awards for TV, USTV 2012 Awards, at Northwest Samar State University Students' Choice Awards for Radio and Television para sa kaniyang mahusay na pagganap sa de-kalibreng teleseryeng "Minsan Lang Kita Iibigin."
Bukod sa tagumpay ni Coco sa iba't ibang award-giving bodies, panalo rin ang patuloy na pagrereyna sa nationwide TV ratings ng "Walang Hanggan." Sa pinakahuling datos ng Kantar Media, nananatili itong no. 1 sa listahan ng top overall TV programs sa bansa, kung saan humataw ito sa 37.5% national TV rating, o 22 puntos na kalamangan kumpara sa 15.4% ng katapat nitong programa sa GMA na "My Beloved."
Samantala, patuloy na umiinit ang mga tagpo sa kuwento ng "Walang Hanggan" matapos dugtungan ni Daniel (Coco) ang buhay ni Katerina (Julia Montes) dahil sa pagbibigay nito ng dugo sa dalaga. Hudyat na ba ito ng muli nilang pagbabalikan? Anong gagawin ni Nathan (Paulo Avelino) sa sandaling malantad na si Daniel ang blood donor ng kanyang asawa?
Huwag palampasin ang mga rebelasyong gigimbal sa buhay ng mga karakter sa "Walang Hanggan" gabi-gabi, pagkatapos ng "E-Boy" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sawww.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs. walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment