Bago pa igawad kay Coco ang nasabing awards, limang tropeyo na mula sa iba't ibang award-giving bodies ang hinakot niya para sa kanyang mahusay na pagganap sa de-kalibreng teleseryeng "Minsan Lang Kita Iibigin."
Katulad ni Coco, patuloy na tagumpay rin ang tinatamasa ng teleserye niyang "Walang Hanggan." Kapit na kapit ang mga manonood sa bawat gabing puno ng rebelasyon tungkol sa buhay ng mga pangunahing karakter nitong sina Margaret (Helen Gamboa), Henya (Susan Roces), Emily (Dawn Zulueta), Marco (Richard Gomez), Katerina (Julia Montes), at Daniel (Coco).
Anong magaganap sa sandaling mapatunayan na nina Emily at Marco na si Daniel nga ay kanilang anak? Matanggap kaya ni Daniel ang katotohanan sa kanyang pagkatao?
Samantala, makikisaya sa Bangus Festival ang cast ng "Walang Hanggan" ngayong Sabado (April 21), 5pm, sa Dagupan Holding Area.
Huwag palampasin ang gabi-gabing pasabog sa "Walang Hanggan," pagkatapos ng "Princess and I" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs. walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment