Magbabalik na sa Philippine music scene ang "Himig Handog," ang kauna-unahang multimedia songwriting competition sa bansa na muling tutuklas sa bagong de-kalibreng composers at mga awiting tiyak na papatok sa panlasa ng buong sambayanan.
Ngayong 2012, nakatakdang magbalik ang ikalimang "Himig Handog" kung saan muling bibigyang pagkakataong kumislap ang bituin ng mga amateur at professional Filipino songwriter, sa loob at labas ng bansa, sa pamamagitan ng kanilang natatanging husay sa paglikha ng kanta sa ibat ibang music genre.
Hatid ng ABS-CBN, ang "Himig Handog" ay unang inilunsad noong taong 2000 na noong una ay bilang pagbibigay-pugay sa mga bagong bayani na mga overseas Filipino workers, dahilan upang pamagatan itong "Himig Handog sa Bayaning Pilipino." Sa ikalawang taon nito, ipinagdiwang naman ang lakas ng kabataang Pinoy sa pamamagitan ng "JAM: Himig Handog sa Makabagong Kabataan 2001." Samantala, love songs naman ang ibinida ng kompetisyon sa ikatlo at ikaapat nitong taon sa "Himig Handog Love Songs 2002 at 2003."
Ang mga interesadong sumali ay maaari nang magsimulang bumuo ng kanilang love song entries dahil nalalapit na ang official announcement ng mechanics para sa "Himig Handog 2012." By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment