Kaya naman ng mapansin ito ng isang concerned citizen ay agad niyang binigay ang tip sa "XXX" na tinutukan naman ni Julius Babao. Ayon sa tipster ay namimigay diumano ang isang grupo ng mga kalalakihan sa Novaliches ng libreng gamot sa balat, rayuma, mata, ngipin at iba pang sakit na hindi naman kilalang brand at hindi aprubado para sa kalusugan.
Isang surveillance ang isinagawa ng programa at naaktuhan nga ang isang lalaking nagbibigay ng reseta sa walang muwang na customer. Ang masklap nito ay kalanunan daw ay may bayad na ang ipinamimigay na libeng gamot.
Habang inaalam ni Julius ang puno't dulo sa panibagong modus operandi ay isang naiibang expose naman ang ibibigay ni Anthony Taberna dahil sa halip na katiwalian ay kabutihang nagagawa naman ng mga pulis ang kanyang isisiwalat. Bagamat masama ang imahen ng mga pulis sa publiko dala ng mga kaliwa't kanang ulat ng pangongotong at pang-aabuso, may mga pulis ding tapat sa tungkulin at nagsasakripisyo sa ngalan ng serbisyo.
Samantala, bibisitahin naman ni Pinky Webb ang 12 taong gulang na batang binigyang pugay ng "XXX" dahil sa kanyang mahusay na pagsabay ng kanyang pag-aaral at pag-aalaga sa lolong may sakit. Ano na kaya buhay niya ngayon?
Pakatutukan ang "XXX" ngayong Lunes (April 2) pagkatapos ng Bandila¨sa ABS-CBN. Mapapanood din ito ng mas maaga sa DZMM TeleRadyo (SkyCable ch 26) sa parehong araw sa ganap na 9:15 PM.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment