Ito na ang pinakamalaking papremyo sa isang talent search sa kasaysayan ng Philippine TV kaya naman sa hindi pa nakakapag-audition sa Luzon, Visayas, at Mindanao, may huli pa kayong pagkakataon sa April 12 hanggang 14 para maipamalas ang inyong 'x factor.'
Maghanda na ng inyong audition piece at pumunta ngayong Huwebes (April 12) sa ABS-CBN Davao, ABS-CBN Cebu, o sa Porta Vaga Mall sa Baguio City.
Pagdating naman ng Biyernes (April 13) ay maari kang mag-audition sa ABS-CBN Complex Cagayan De Oro, Gaisano Capitol, Iloilo, o sa ABS-CBN Compund sa Naga City.
Huling bira naman sa Metro Manila pagsapit ng Sabado (April 14) sa gaganaping audition sa ABS-CBN compound sa Quezon City. Pumunta lamang sa audience entrance.
Ang kumpetisyon ay bukas sa lahat ng Pilipino na may angking talento sa pagkanta, edad 16 taong gulang pataas. Maaring mag-audition ng mag-isa, may ka-duet, o maaring ding bumuo ng trio o kaya naman isang grupo. Magdala lamang ng minus one ng inyong kakantahin sa audition.
Nagsimula sa UK ang "The X Factor" kung saan tinagurian itong pinakamalaking talent search. Napapanood na rin ang "The X Factor" sa higit na 30 bansa at may higit sa 50 "The X Factor" winners na ang napili sa buong mundo kasama na rito si Melanie Amaro, ang unang nanalo sa "The X Factor USA" noong nakaraang buwan. Sino kaya ang pinakaunang Pinoy na tatanghaling 'The X Factor' winner?
Abangan ang "The X Factor Philippines," sa pangunguna ng host na si KC Concepcion, malapit na malapit na sa ABS-CBN. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment