Mag-iiwan ng isang mahalagang aral ang Kapamilya child wonder na si Xyriel Manabat sa pagpapatuloy ng kanyang "Wansapanataym" special ngayong Sabado (Mayo 5).
Sa 'Dollhouse' episode, bibigyang buhay ni Xyriel ang karakter ni Grace, isang 'bili mo ako kid' na magtatanim ng sama ng loob sa kanyang magulang nang hindi pagbigyan ang hinihingi na dollhouse. Sa kagustuhang magbago ang buhay, humiling si Grace sa isang wishing star na makatira sa isang magandang bahay gaya ng isang engrandeng dollhouse. Sa pagtupad ng bituin ang kaniyang kahilingan, matutunan na kaya ni Grace ang halaga ng kanyang pamilya?
Makakasama ni Xyriel sa episode sina Bobby Andrews, Ina Feleo, Melai Cantiveros, Blythe Brillantes, Kitkat, Joseph Marco, at Yen Santos. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Jon Villarin.
Ang "Wansapanataym" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging 'da best' sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Huwag palampasin ang "Wansapanataym" special ni Xyriel tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment