Dingdong Dantes, galit sa pagpose ni Marian Rivera sa sexy magazine?
Mukha umanong nag-aalangan si Dingdong Dantes na payagan ang nobyang si Marian Rivera na mag-pose sa isang sikat na men’s magazine. Naging maingay naman  nag pag-pose ni Marian sa isang men’s magazine na Rogue at inamin ng aktres na isa na ito sa kaniyang pinaka-daring na magazine cover. Wala naman daw nababalitaan si Dingdong Dantes mula sa nobya na napagdesisyunan nitong magpose sa FHM cover. Para kay Dingdong, mas gusto niya umanong manalo si Marian sa FHM 100 Sexiest Women. Ipinagmamalaki ni Dingdong Dantes na basta si Marian Rivera ang subject ng mga magazine ay magiging maganda ang kinalabasan nito. Iginiit ng aktor na buo ang tiwala niya sa kaniyang nobya pagdating sa ganitong aspeto.Wala naman daw problema kay Dingdong kung sakaling mapagdesisyunan ni Marian Rivera na mag-pose sa FHM. Sa ngayon ay nananatili pa rin si Marian sa Top 10 ng naturang kumpetisyon. Excited na rin ang dalaga para sa tatlo pang magazine na ilalabas kung saan siya ang cover. Aminado si Marian Rivera na hindi pa siya iniimbitahan ulit ng FHM magazine para mag-pose ulit sa kanilang cover. Napapayag umano siya dito hindi dahil kay Dingdong Dantes kundi dahil sa mga tao sa likod nito. Ang kaniyang naging photographer ay si Mark Nicadao at si Pam Quiñones naman ang naging stylist niya na parehong malapit sa kaniyang mga puso.
Pinaalam naman daw ni Marian kay Dingdong na magkakaroon siya ng sexy na pictorial na magiging cover ng Rogue magazine. Ibinigay na rin daw ni Marian Rivera ang kaniyang mga litrato sa email ng nobyong si Dingdong Dantes at hindi niya pa alam kung nakita na ito ng binata. Hindi naman daw pinag-aawayan ng magkasintahan ang mga pag-pose ni Marian Rivera sa mga sexy magazine dahil naiintindihan naman ni Dingdong ang kaniyang trabaho.Hindi naman daw alam ng aktor kung mayroon siyang susunod na teleserye sa GMA-7 matapos ang kanilang proyekto ni Marian. Lilipad siyang New York para raw sa mga kababayang Pilipino sa darating na Independence Day. Si Marian Rivera naman ay pupuntang Canada para rin sa isang show doon. Masaya naman daw si Dingdong Dantes dahil patuloy pa rin silang sinusuportahan ng kanilang mga tagahanga. Ang fans club na Dongyan ay tumutulong din daw sa proyekto ng aktor sa kaniyang tinutulungang foundation.Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment