Pinaka-malaking teleserye ni John ang A Beautiful Affair na isang kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng tatlong taong susuungin ang isang malaking pagsubok sa kanilang relasyon.
Isang bagong pangalan ang director ng ABA, si Katski Flores na siyang writer ng unang teleserye nina John Lloyd at Bea na Kay Tagal Kitang Hinintay. Kasama rin siya sa bumuo ng kuwento at ngayon ay director na ng dalawang nagdiriwang ng kanilang anibersaryo. Hindi ito ang unang pagdidirek ni Katski Flores.
Siya ang director ng indie film na A Still Life nung 2007 na kung saan ay may cameo role si John Lloyd.
Sa presscon ng teleserye na ginanap isang araw bago ang pag-ere nito ay tinanong ang tatlo kung ano ang maituturing nilang most beautiful affair.
Sinabi ni John na pinaka-maganda na sa kanya ang kasalukuyang relasyon nila ng kanyang ginang na si Priscilla Mireilles. Bagaman at ayaw pangalanan ni JLC kung sino ang most beautiful affair niya, obvious na si Angelica Panganiban ito. Si Zanjoe Marudo naman ang most beautiful affair ni Bea pero hindi pa siya sigurado kung sila na nga ng aktor. “Sana nga siya na ang makatuluyan ko. Pero 25 years old pa lamang ako ngayon. I intend to marry pag 29 o 30 years old na ako. Masyado pang maaga para magsalita ng tapos. Ngayon lang ako nagdadalaga pero, sana siya na nga,” pagtatapat ni Bea. By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy
0 comments:
Post a Comment