Simula sa Miyerkules (October 31), masasaksihan na ng Filipino moviegoers sa buong bansa ang unique onscreen magic ng love team nina Thai superstar Mario Maurer at Philippine sweetheart Erich Gonzales sa pagpapalabas ng first Filipino-Thai romantic-comedy film ng Star Cinema na "Suddenly It's Magic."
Dahil sa kakaibang kilig ng tambalang Mario at Erich, mga nakamamanghang eksenang kinunan sa Pilipinas at Thailand, at sa taglay nitong international appeal, walang humpay ang mainit na usapan ng fans ang "Suddenly It's Magic," patunay dito ang pagiging hot trending topic ng pelikula sa iba't ibang social networking sites, lalo na sa sikat na microblogging site na Twitter.
Maging si Mario ay aminadong excited na rin sa kanyang pagbabalik-Pilipinas upang personal na i-promote ang kauna-unahang pelikula niya sa bansa. Ang Thai heartthrob ay nakatakdang makasama ng kanyang fansa sa Manila simula Lunes (October 29) hanggang sa first day of showing ng kanilang pelikula sa October 31. Bukod sa grand premiere night na gaganapin sa Martes (October 30) sa SM Megamall, tutungo rin sina Mario at Erich sa ilang ABS-CBN shows upang i-promote ang kanilang movie.
Sa ilalim ng direksyon ni Rory B. Quintos, ang "Suddenly It's Magic" ay kwento ng natatanging pagtatagpo ng Thai superstar na si Marcus Hanson (Maurer) at ng heartbroken pastry baker na si Joey Hermosa (Gonzales), na kapwa pinaglapit ng kakaibang 'magic' ng pag-ibig.
Bukod kina Mario at Erich, bahagi rin ng "Suddenly It's Magic" sina Joross Gamboa, Joy Viado, Guji Lorenzana, Ces Quesada, Dinkee Doo, John Lee at Pimchanok Luevisadpaibul.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment