CARLO AT JOEM, GAGANAP NA MAGKARELASYON SA “MMK”

Magkarelasyon na susubukin ng sakit na AIDS (acquired immune deficiency syndrome) ang bibigyang buhay nina Carlo Aquino at Joem Bascon sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Disyembre 1). Gagampanan nila ang mga karakter nina Kevin (Carlo) at Alan (Joem), kapwa bisexual na nagsimula ang ugnayan sa isang casual sex na kalaunan ay humantong sa isang malalim na pagmamahalang punong-puno ng ligaya. Ngunit mababago ang takbo ng buhay ng dalawa nang matuklasan nilang may AIDS si Kevin na nakuha nito sa 'raket' niya kasama ang mga kliyente sa gym na pinagtatrabahuhan. Anong gagawin ni Alan sa sandaling malaman niya na nahawaan siya ni Kevin ng isang nakamamatay na sakit? Sisirain ba ng isang karamdaman ang isang relasyong pilit ipinaglaban sa lahat? Makakasama nina Carlo at Joem sa kanilang heavy drama "MMK" episode sina Bodjie Pascua, Chanda Romero, Toby Alejar, Roeder Camañag, Laiza Comia, Kyra Custodio, Miguel Morales, at Leo Rialp. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jordan Del Rosario, panulat ni Benson Logronio, at direksyon ni Nuel C. Naval. Huwag palampasin ang isa namang heavy drama episode na handog ng "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang www.facebook.com/MMKOfficial. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment