DANIEL, GAGANTI SA PAGKATALO KAY ENRIQUE?

Muling maghaharap sa basketball ang mga leading man ni Kathryn Bernardo sa "Princess and I" na sina Enrique Gil at Daniel Padilla sa pinakaaabangang game 2 ng 'Princess and I Grand Royal Fair' na gaganapin sa Linggo (Nobyembre 18) sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Magbubukas ang gates ng Ynares para sa fans sa ganap na 4pm at pormal na magsisimula naman ang basketball match ng 7pm. Kung sa una nilang paghaharap noong Setyembre ay si Enrique ang nanalo, ang game 2 kaya ay para kay Daniel na? Madala kaya nila Enrique at Daniel sa game 2 ng kanilang basketball match ang tumitinding tensyong namamagitan sa mga karakter nila sa "Princess and I" na sina Dasho Jao at Gino. Sa huli, sino nga ba ang magwawagi--Team Jao o Team Gino? Samantala, patuloy na sundan ang mga bagong adventure ni Princess Areeyah (Kathryn) sa "Princess and I," gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment