KILALANG ALOPECIA ADVOCATE, MAGBIBIGAY INSPIRASYON SA “BOTTOMLINE”

Kwento ng kakaibang tapang at inspirasyon ang ibabahagi ng "The Bottomline With Boy Abunda" ngayong Sabado (Nobyembre 10) tampok ang nakaaantig na istorya ng singer-host at kilalang Alopecia advocate na si Abby Asistio. Sa pamamagitan ng life story ni Abby, alamin ang matitinding hamon na pinagdaraanan ng mga may Alopecia Areata o mga taong may pambihirang sakit na nagreresulta sa pagkawala ng buhok sa ulo o katawan. Ano ang pinakamasakit niyang naranasan nang magsimulang mawala ang kanyang buhok? Kinwestiyon ba niya ang Diyos dahil sa kanyang karamdaman? Sa kabila ng kanyang sakit, saan nakuha ni Abby ang lakas ng loob para palayain ang sarili sa kanyang mga kinakatakutan at maging inspirasyon pa sa ibang gaya niya? Huwag palampasin ang kwento ni Abby ngayong Sabado ng gabi, 11:30pm, sa 'Ani ng Dangal 2012′ awardee na "The Bottomline with Boy Abunda" ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng "Banana Split" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment