JODI AT RICHARD, DINUMOG SA USTV AWARDS KICK-OFF PARTY

Pinakapinalakpakan at pinakatinilian ng mga estudyante ng University of Santo Tomas ang "Be Careful With My Heart" lead stars na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa katatapos lamang na USTv Students' Choice Awards Kick-Off Party. Bukod sa pagpapasalamat sa matinding suporta ng fans sa kanilang show na nominado sa kategorya ng students' choice for daily local soap opera, mas pinakilig pa nina Jodi at Richard ang Thomasian community sa special song number nila. Isa pang sorpresa na pinakapinagkaguluhan lalo na ng mga kolehiyala ay ang pagbisita ng teen star na si Jerome Ponce na may kilala sa mga fans ng kilig-serye bilang si Kuya Luke. Patuloy na sundan ang nakakikilig at nakatutuwang kuwento nina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard) sa "Be Careful With My Heart," araw-araw, 11:15am, bago mag-"It's Showtime," sa Primetanghali ng ABS-CBN. Samantala, mapapanood naman ang "Be Careful With My Heart Sabado Rewind" tuwing Sabado, 10:30am, bago mag-"It's Showtime." Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment