BANGS GARCIA, NAPAGKAMALANG BADING!

Babaeng napagkakamalang bading ang role ng Kapamilya sexy actress na si Bangs Garcia sa upcoming episode ng "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Enero 26). Gaganap siya bilang ang masayahin, maingay, at gimikerang si Carmi na nang maging boyfriend at makasal kay Ian (Tom Rodriguez) ay napilitang baguhin ang sarili sa ngalan ng kanilang relasyon at mga anak. Mula sa pagiging madaldal at magaslaw, ginawa ni Carmi ang lahat upang maging isang mahinhin at pormal na babae na ayon sa kagustuhan ng kanyang asawa. Ngunit hanggang kailan kaya kayang talikuran ni Carmi tunay niyang sarili sa ngalan ng kaisa-isang lalaking minamahal niya? Kasama nina Bangs at Tom sa kanilang "MMK" episode sina Thou Reyes, Abby Bautista, Pen Medina, Mikylla Ramirez, Veyda Inoval at Gigi Locsin. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat ni Benjamin Benson Logronio, at direksyon ni Raz de la Torre. Huwag palampasin ang "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang www.facebook.com/MMKOfficial. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment