KUYA KIM AT MYRVES, SASABAK SA ASTIG NA MGA SPORTS

Isang astig na weekend ang sasainyo ngayong Linggo (Jan 27) dahil sasabak si Kuya Kim at ang PBB Teens loveteam na sina Myrtle Sarrosa at Yves Flores sa mga astig na sports sa "Matanglawin." Hahamunin ng Trivia King ang sarili pagdating sa husay sa paglangoy at lalahok siya sa isang koponan para makapigil hiningang laro ng underwater hockey. Samantala, mapangahas ding susuungin ni Myrtle at Yves ang paglipad tulad nina Supergirl at Iron Man gamit lang ang isang hydrojet. Kayanin kaya nila ang mga kakaibang water sports na ito? Huwag palalampasin ang "Matanglawin" ngayong Linggo (Jan 27), 9:15 AM sa ABS-CBN. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment