ROSANNA ROCES, NA-INVOLVE SA ISANG LINGGONG PAG-IBIG!

Ang award-winning actress na si Rosanna Roces ang bibida ngayong Sabado (Enero 19) sa no.1 drama anthology sa bansa na "Maalaala Mo Kaya." Gagampanan ni Rosanna ang karakter ni Gina, isang babaeng may-asawa't anak na hindi inaasahang nahulog ang loob sa dati niyang kaklase sa high school na si Freddie (Gary Estrada). Matapos ang 36 taon na pagkakawalay, muling mananariwa ang malalim na pag-ibig nina Gina at Freddie para sa isa't isa sa loob ng pitong araw na pagkikita. Handa nga kayang bitawan ni Gina ang lahat lalo na ang kanyang pamilya para maipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan ni Freddie? Bukod kina Rosanna at Gary, tampok rin ngayong Sabado sina Tippy Dos Santos, Benjamin de Guzman, Kristel Fulgar, Marlann Flores, Marki Stroem, Kathleen Hermosa, Beauty Gonzales, at Gail Garcia. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Benson Logronio, at direksyon ni Raz de la Torre. Huwag palampasin ang isa na namang makabagdamdaming "MMK" episode ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang www.facebook.com/MMKOfficial. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment