GMA7's My Destiny aired its final episode Friday, October 17, 2014. Carla Abellana, Tom Rodriguez in the lead roles together with Sid Lucero and Rhian Ramos. The series had its pilot episode on June 30, 2014. The series ran for 16 weeks with a total of 80 episodes.
So what's the best way to end a story whose theme is about love and destiny? End it with a wedding. :p
We're just taking Vincent.. este Matthew's wedding vow to Grace and we quote:
"Layo na ng narating natin, no... mula noong ninakawan mo ako ng halik.
Sorry.. Alam ko, akala ng marami dito na porket may happy ending tayo ngayon, na mala-fairy tale ang ending ang naging love story natin.
Pero Grace, alam mo mismo na di totooo iyon, di ba? Dahil mas higit pa sa kahit na anong fairy tale iyong love story natin. Wala silang binatbat sa tibay ng pagmamahalan natin.
That's why I promise that I will always be your knight in shining armor. I'll be your shoulder to cry on. I'll be your gym buddy. Kung gusto mong mag-commute, tatabihan kita. I'll be your travel companion. I'll be everything for you.
But most of all, I'll always be your number one fan.
Akala ko noon, iyong matawag ko ang sarili ko noon na isang doctor, iyon na ang pinakapangarap ko, pinakamasarap na maitatawag ko sa sarili ko pero hindi pala totoo iyon, Grace. Coz rght now, mas masarap pa ang maitatawag ko sa sarili ko - ang matawag ko ang sarili ko na asawa mo.
Napakasarap!
I feel like the luckiest man in the universe. That's why Grace, ang masasabi ko lang sa iyo, "Hello, hello you more times infinity".
- Matthew
Grace's wedding vow to Matthew
"Noong bata ako, hinulaan ako ng lola ko. Sabi niya, meron daw isang lalaking nakatakda para sa akin. Nang makilala kita Matthew, inisip ko, baka ikaw na ang katuparan ng hulang iyon.
Pero maraming beses na tayong nakipagpatintero sa tadhana. Urong-sulong tayo sa isa't-isa. AKala ko mawawalan na ako ng pag-asa. Susuko na ako.
Pero hindi ko ginawa dahil mas malakas ang pag-ibig ko sa iyo sa anumang pagsubok na hinarap natin. Mas matibay ang pag-ibig ko sa iyo sa mga pangyayaring muntik nang maghiwalay sa atin.
Ikaw lang ang gusto kong makasama habambuhay, Matthew. Kaya kahit ano pang bagyo ang dumating sa buhay natin, lalabanan ko. Kakayanin ko huwag ka lang mawala ulit sa akin.
Hinding-hindi rin ako magsasawang sabihin sa iyong, "Hello, hello, hello... mahal na mahal kita."
- Grace
By Pinoy Showbiz Daily
0 comments:
Post a Comment