Kinilabutan at naaliw ang mga manonood at tila natakot ang mga kalabang programa sa ”Oka2kat” sa ABS-CBN dahil number one ito agad sa timeslot nito noong Sabado. Pumalo sa nationwide rating na 13.6% ang pilot episode ng ”Oka2kat,” mas mataas kumpara sa mga katapat na programang ”Wish Ko Lang” (8.9%) at ”24 Oras Weekend” (9.8%) ng GMA, at ”Wil Time Bigtime” (10.1%) ng TV5 base sa datos ng Kantar Media. Mainit nga ang naging pagtanggap ng publiko sa mga bagong tween star na aabangan linggo linggo na sina Paul Salas, Makisig Morales, Sue Anna Ramirez, Jane Oineza, at Joshua Colet. Magsisimula na ang adventures ni Andrew (Paul Salas) at sa kanyang paghahanap sa mga nawawalang kagamitan sa kanilang museo. Ngayong linggo, makikilala na niya ang mga bagong kaibigan na tutulong sa kanya sa kanyang misyon. Huwag palalampasin ang saya at katatakutang hatid ng ”Oka2kat” tuwing Sabado, pagkatapos ng ”Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Sundan ang “Oka2kat” sa Twitter via www.twitter.com/oka2kat at sa Facebook (www.facebook.com/officialOka2kat). By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment