Pinakaaabangan na ang next episode ng bagong showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN tuwing Sabado na “Showbiz Inside Report” (SIR). Matapos maging worldwide trending topic sa Twitter at manalo sa nationwide TV ratings ng pilot episode nito kontra sa katapat na "Startalk" ng GMA, tutok na ang sambayanan sa panibagong masusing pagkilala nina Janice de Belen, Carmina Villaroel, Joey Marquez, at Ogie Diaz sa ilan sa mga pinakapinag-uusapang personalidad sa mundo ng showbiz.Ngayong Sabado (Pebrero 11), dalawang babaeng laman ng headlines ang higit na kikilalanin ang pagkatao: ang kontrobersyal na talent manager na si Annabelle Rama at ang 'apple of the eye' ni Pangulong Noynoy Aquino na si Grace Lee. Sino sila sa likod ng kamera? Ano ang humubog sa kanilang pagkatao? Ano ang mga bagay na pinakamahalaga sa kanila?
Tutukan ang malalimang pagkilala sa dalawang babaeng humaharap ngayon sa matitinding akusasyon sa pinakabagong showbiz-oriented talkshow ng ABS-CBN, “Showbiz Inside Report” tuwing Sabado, 2:30 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage na http://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment