Mula nang umere ito noong Enero 2012, gabi-gabing sinubaybayan ng buong samabayanan ang mga exciting na adventure ng mag-best friend na sina E-Boy (Bugoy) at Miyo (Deydey) hindi lang dahil sa kamangha-manghang computer animation effects na ginamit sa palabas, kundi dahil na din sa mga hatid nitong aral para sa buong pamilya tulad ng paggalang sa mga matatanda, pagsasabi ng totoo, pagpapatawad at pagmamahal nang walang kapalit.
Samantala, sa huling dalawang linggo ng "E-Boy," patuloy ang mga kapanapanabik na kaganapan ngayong makikilala na ang bagong robot na nilikha ni Gabriel (Ariel Rivera). Mabuti ba o masama ang maidudulot ng bagong robot na ito? Mabubuo pa kayang muli ang pamilya ni Gabriel ngayong patuloy na sinusuyo ni Miguel (Jomari Yllana) ang puso ni Ria (Agot Isidro)? Magtagumpay kaya sina E-Boy at Miyo sa pagsagip kay Gabriel?
Ang "E-Boy" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging 'da best' sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Huwag nang magpahuli sa huling dalawang linggo ng "E-Boy" gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment