Iyan ang bubusisiin ni Ted Failon sa kanyang pagtuklas sa dahilan ng unemployment at maging underemployment sa bansa ngayong Sabado (April 14) sa "Failon Ngayon."
Ayon sa Labor Force Survey (LFS), bumaba ang unemployment rate ng bansa mula 7.3% noong 2010 sa 7% na lang nitong nakaraang taon. Sa kabila nito, tumaas naman ang porsyento ng underemployment o bilang ng mamamayang overqualified sa kanilang trabaho na hindi angkop sa tinapos na edukasyon o kakayahan.
Para kay Rep. Raymond Palatino ng Kabataan Partylist, isa sa mga problema kung bakit maraming unemployed ngunit nakapagtapos naman ay ang pagpili ng sikat na kurso noong sila ay pumasok sa kolehiyo. Halimbawa nito si Roan Panaligan na nakapagtapos at nakapasa sa nursing board exams pero hindi pa rin magamit ang napag-aralan dahil walang mapasukang ospital.
Tunghayan ang buong kuwento ngayong Sabado (Apr 14) sa "Failon Ngayon," 4:30 p.m. sa ABS-CBN. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment