Bida talaga ang Kapamilya dahil gaganapin ngayong Sabado (Abril 14) ang kauna-unahang "Bida Kapamilya" event sa Ynares Center, Antipolo mula 8a.m. hanggang 7p.m., kung saan iba't ibang serbisyo publiko at kapana-panabik na performances ang handog ng ABS-CBN.
Dalhin ang mga resume at magpunta sa job fair na handog ng "Ako Ang Simula" movement mula 8a.m. May medical at dental missions din na handog ng "Salamat Dok" na isasagawa sa parehong oras. Abangan din ang mga libreng sakay sa tricyle ng "TODA Max" mula sa mga piling lugar papuntang Ynares Center.
Lawakan din ang kaalaman sa pakikiisa sa book reading na isasagawa ng TLC programa ng DZMM, habang ang Tambayan 101.9 ay magkakaroon naman ng remote broadcast.
Mag-enjoy naman sa mga kwelang booths ng "Luv U," kung saan may freedom wall para sa kabataang Pilipino. Magpa-picture naman kay "Wako Wako"kapalit ng educational toys na ido-donate sa eMedia program ng ABS-CBN Foundation, Inc.
Pagsapit ng 3p.m., magu-umpisa na ang variety show kung saan tampok ang mga nagniningningang Kapamilya stars. Abangan sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Enrique Gil at Khalil Ramos ng "My Princess and I" at sina Jake Cuenca at Bangs Garcia ng "Kung Ako'y Iiwan Mo."
Hindi rin pahulili sa pagpe-perform sina Miles Ocampo at iba pang ka-barkada sa "Luv U," si Wako Wako at ang mga cast members ng "Oka2kat," "Banana Split" "Goin' Bulilit" at marami pang iba. Isang sayawan ang handog ng "It's Showtime" dancers habang ang ASAP Sessionistas ay maghahandog ng kanilang nakakakilig na mga awitin. Ang cast members ng "Angelito Batang Ama" na pinangunguhan ni JM Guzman ay magpapasalamat din sa mga Kapamilyang taus-puso ang pagsuporta sa kanilang matagumpay na teleserye.
Punta na sa Ynares Center, Antipolo ngayong Sabado at maging bida, kapamilya! Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment