Isa na rito ang inirereklamong sari-sari store na bukod sa pangkaraniwang paninada ay nagbebenta ito diumano ng celphone at ipod units sa napakamurang halaga. Iimbestigahan ni Julius Babao ngayong Lunes (April 16) sa "XXX" ang hinihinalang "galing sa magnanakaw" store ng isang impormante.
Bilis naman ang napiling diskarte ng mga tinatawag na "jumper boys" sa Tondo, Manila kung saan dinadaan nila sa liksi at bilis tumalon at tumakbo ang pagnanakaw sa sasakyang kanilang target. Base sa iniulat kay Pinky Webb, tila mas naging mapangahas ang mga ito dahil ngayon, harap harapan na ang ginagawang pang-uumit. Naaktuhan pa sa bidyo ag mismong pagnanakaw kung saan muntik pang masagasaan ang binatilyong kawatan.
Samantala, maparaan naman ang isang subdivision sa Muntinlupa City na naniningil ng P40 na fee para makadaan ang rito ang mga motorista. Hinaing ng mga biktima kay Anthony Taberna, hindi man lang daw aabot sa isang kilometro ang kalsada at napag-alaman pang hindi sakop ng subdivision ang pinapabayarang daang iyon.
Tunghayan ang buong ulat sa "XXX" ngayong Lunes (April 16) pagkatapos ng "Bandila"¨sa ABS-CBN. Mapapanood din ito ng mas maaga sa DZMM TeleRadyo (SkyCable ch 26) sa parehong araw sa ganap na 9:15 PM. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment