Masyang-masaya si Lovi Poe sa tagumpay ng kaniyang pelikula na Tiktik: The Aswang Chronicles na kumita na ng halos P70 million sa loob lamang ng anim na araw. Kasama rin dito ng aktres ang bida sa pelikula na si Dingdong Dantes. Nagpapasalamat si Lovi na naging parte siya ng Tiktik lalo na at nakikita niya kung gaano kalakas ang suporta ng mga Filipino rito. Pinuri rin ang magandang computer graphics at kabubuuan ng pelikula nina Lovi Poe. Naniniwala ang aktres na teamwork ang isa sa mga naging dahilan kung bakit naging matagumpay ang naturang pelikula.
Umabot ng halos dalawang taon ang paggawa ng Tiktik: The Aswang Chronicles bago ito matapos at maipalabas sa mga sinehan. Apat na buwan ang naging shooting nina Lovi sa naturang proyekto at naging mas matagal pa ang iginugol ng naging post-production dito. Sa mga nakaraang buwan ay nagsama-sama ang mga cast ng pelikula para sa pagpu-promote nito. Ang isa umano sa mamimiss ni Lovi Poe sa pelikula ay ang pagtatrabaho nila ng mahabang oras para mas mapaganda pa ang proyekto. Inuna raw muna nila ang kalidad nito bago pa man intindihin ang budget, oras at playdate.
Marami rin ang nakapansin sa magandang chemistry ni Lovi at Dingdong na pinasalamatan naman ng aktres. Malaki raw ang paghanga ng dalaga sa leading man nito bilang isang mahusay na aktor. Kung sakaling mabigyan naman daw ng pagkakataon si Lovi Poe na muling makatrabaho ang binata ay mas magiging masaya siya rito. Hindi naman daw malayo na magkaroon ng proyekto ang dalawa dahil pareho naman silang Kapuso talent. Kasalukuyang abala ang dalaga sa kaniyang teleserye sa Kapuso network at masaya sa nalalapit nitong pagpapalabas.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment