Sa gitna ng mga intrigang nag-uugnay sa kanya sa kina Gerald Anderson, Rico Blanco, at kamakailan kay Piolo Pascual, nananatiling matipid ang mga pahayag ng "Kung Ako'y Iiwan Mo" lead star na si Shaina Magdayao kaugnay ng tunay na estado ng kanyang lovelife.
Sa isang statement na ipinadala sa "The Buzz," kinlaro kamakailan ni Shaina na walang ibang kahulugan ang mga kumakalat na letrato nila ni Piolo na kinunan habang nasa Singapore sila para sa "ASAP 2012." Aniya, "Papa P. has always been a gentleman naman to me and everyone. Isa siyang mabait na tao. We're friends."
Ngunit kung sa tunay na buhay ay nananatiling single si Shaina, punong-puno naman ng pag-ibig ang karakter niyang si Sarah sa mainit na pinag-uusapang afternoon teleserye ng ABS-CBN na "Kung Ako'y Iiwan Mo," kung saan inalok siya ng kasal ng karakter ni Jake Cuenca na si Paul. Matuloy kaya ang kasalang Sarah at Paul sa kabila ng mga maiitim na balak ni Mia (Bangs Garcia)? Tuluyan na nga bang magiging masaya ang buhay ng dating mag-asawa sa muli nilang pagpapakasal o magiging hudyat ito ng mas masalimuot na buhay para sa kanilang pamilya?
Huwag palampasin ang mas umiiinit na tagpo sa "Kung Ako'y Iiwan Mo," araw-araw, 2:30pm, sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan and @abscbndotcom sa Twitter.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment