Libu-libo ang dumagsa sa Ynares Center, Antipolo noong Sabado para sa kauna-unahang Bida Kapamilya public service fair ng ABS-CBN na may variety show pa kung saan tampok ang pinakamaniningning na Kapamilya stars.
Bago pa man sumikat ang araw, nakapila na ang mga nagbabaka-sakaling makahanap ng trabaho sa job fair ng "Ako Ang Simula" movement. Hindi naman sila nabigo lalo't marami sa kanila ang nabigyan ng hanapbuhay.
Maaga ring dumating ang mga tumangkilik sa medical mission at libreng bunot ng ngipin na handog naman ng "Salamat Dok."
Hindi naman naging mahirap para sa marami na matunghayan ang pagdiriwang, lalo't rumonda sa mga piling lugar ang mga "TODA Max" tricycle na nagbigay ng libreng sakay papunta sa Ynares Center.
Sa ginanap naman na book reading session ng TLC program ng DZMM, nakiisa ang mga brodkaster na sina Sol Aragones at Ariel Ureta, at ang radio anchor na si Joe D' Mango.
Game na game naman ang gobernador ng lalawigan ng Rizal na si Casimiro Ynares III nang siya'y humarap sa mga DJs bilang guest sa remote broadcast ng Tambayan 101.9.
Pagkatapos ng maghapong serbisyo publiko ng ABS-CBN ay ginanap ang isang variety show na nagtampok sa mga pinakapinag-uusapang Kapamilya stars tulad nina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, Daniel Padilla at Khalil Ramos ng "Princess and I" at sina Bangs Garcia at Jake Cuenca ng "Kung Ako'y Iiwan Mo."
Full force din ang cast ng "Wako Wako," "Luv U," "Oka2kat," at ng katatapos lang na teleseryeng "Angelito Batang Ama."
Hinarana rin ang mga manonood ng mga "ASAP" Boy R Boys (BRBs) na sina Markki Stroem at Bryan Termulo. Hindi rin nagpahuli sa pag-awit ang mga ASAP Sessionistas na sina Princess at Sitti at ang "Pilipinas Got Talent Season 2" grand winner Marcelito Pomoy.
Nakatakdang lumibot sa iba't ibang panig ng bansa ang Bida Kapamilya upang mas marami pang Pilipino ang mabigyan ng serbisyo publiko. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment