Kasabay ng tagumpay ni Cristine ay ang tuloy-tuloy na suporta ng mga manonood sa Primetime Bida teleseryeng pinagbibidahan niya kasama sina Piolo Pascual, Christopher de Leon, Jericho Rosales, at Maricar Reyes. Ayon sa pinakahuling datos ng Kantar Media, nakakuha ang "Dahil sa Pag-ibig" ng 24.6% national TV rating, samantalang 13.7% lamang ang nakuha ng katapat nitong programa na "My Beloved" ng GMA.
Mas malalaking rebelasyon ang nakatakdang sumabog sa mga susunod na gabi sa kuwento ng "Dahil sa Pag-ibig" lalo na sa pagkikita nina Leo (Christopher) at Oliver (Jericho). Paano babaguhin ni Oliver ang takbo ng buhay ng mga Valderama? Paano haharapin ni Jasmin (Cristine) ang sakit na nararamdaman ngayong isang ganap na pari na ang iniibig na si Alfred (Piolo)?
Patuloy na subaybayan ang lalong gumagandang istorya ng "Dahil sa Pag-ibig," gabi-gabi, pagkatapos ng "Walang Hanggan" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @dahilsapagibig_ sa Twitter, o i-'like' anghttp://facebook.com/dahilsapagibig.tv. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment