Naitanong kay Ara Mina ang patungkol sa kanilang relasyon ng kapatid na si Cristine Reyes at kinumpirma niya na hindi pa rin sila nagkakasundo nito. Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Ara nang mabuksan ang usapin patungkol kay Cristine dahil hanggang ngayon ay mabigat pa rin umano sa kaniyang loob ang pag-usapan ito. Nilinaw naman ni Ara Mina na kahit pa madalas sabihin sa kaniya na gusto lamang niya ng publicity ay naninindigan siya na handa niyang hintayin ang pagbaba ng resolusyon ng piskalya sa kasong isinampa niya sa kapatid.
Inamin ni Ara na lumala pa ang sitwasyon nila ni Cristine Reyes nang magkaroon ng engkwentro ang dalaga at isa pa nilang kapatid na lalaki. Pinigilan lamang daw ito nina Ara Mina dahil gusto pa sana nito magpa-interview. Naintindihan din daw ng kanilang kapatid na lalaki kung bakit idinemanda ni Ara si Cristine. Hindi na rin daw kilala ngayon ng aktres ang kapatid na nakilala niya noon dahil ibang-iba na raw ang pagkatao nito. Bilib naman daw siya sa nobyo ng kapatid na si Rayver Cruz lalo na sa ipinapakita nitong pagmamahal sa dalaga. Bagamat alam umano ni Ara Mina na magkakaayos din sila ni Cristine Reyes ay hindi naman siya sigurado kung kailan ito mangyayari.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment