Muling nagbabalik ang dating child star na si Carlo Aquino sa ABS-CBN para sa kaniyang bagong proyekto. Kasalukuyang ginagawa ni Carlo ang pelikulang Mater Dolorosa sa ilalim ng Star Cinema. Masaya naman daw ang binatang aktor sa kaniyang muling pagbabalik sa ABS-CBN na itinuring niyang orihinal na home network. Kaka-release pa lamang ngayon ni Carlo Aquino sa Viva at hindi pa pumipirma ng kontrata sa ABS-CBN. Aminado ang aktor na na-miss niya ang pag-arte dahil ito raw talaga ang kaniyang gusotng gawin. Naniniwala rin si Carlo na ang pag-arte ang ibinigay ng Itaas sa kaniya na talento kung kaya gusto niya pa itong ipagpatuloy.
Iba’t-ibang programa ang ginawa ni Carlo Aquino sa ABS-CBN ngunit nagdesisyon na lumipat sa ibang istasyon noong 2005. Ang mga ginawa ng binatang programa sa ABS-CBN ay kinabibilangan ng Familia Zaragoza, Kaybol, Cyberkada, G-mik, Pahina, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Berks, Ang Tanging Ina at Bituing Walang Ningning. Panandaliang nawala sa sirkulasyon ng showbiz ang binatang aktor at nakikita na lamang sa mga guesting nito sa iba’t-ibang programa sa magkabilang network. Bukod sa pagbabalik ni Carlo Aquino sa ABS-CBN para ipagpatuloy ang kaniyang career sa pag-arte ay abala rin siya sa pagiging aktibong miyembro ng kaniyang banda na Kollide.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment