Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang aktor na si John Lloyd Cruz at inamin nito na nobya niya na nga si Angelica Panganiban. Inamin ito ng aktor nang kapanayamin siya ni Boy Abunda sa The Buzz kamakailan lang. Nang tanungin ni Boy kung ano ang estado ng relasyon ng aktor sa dalaga ay sinabi lamang nito ang katagang, âYes we are,â. Ito ang direktang naging pahayag ni John Lloyd sa katanungan ng batikang host patungkol sa napapabalita nitong relasyon nito kay Angelica. Tumanggi naman ang aktor na magbigay pa ng ibang detalye patungkol sa kanilang relasyon ni Angelica Panganiban dahil mas gusto niya umano itong panatilihing pribado.
Ayon sa binata, mas higit pa umano sa kasiyahan ang nararamdaman nila ni Angelica sa ngayon. Ikinuwento naman ni John Lloyd Cruz na hindi nila inaashaan pareho ni Angelica Panganiban ang namuong relasyon sa pagitan nilang dalawa. Isang araw ay nagising na lamang daw ang binata at mayroon na siyang kakaibang naramdaman para sa nobya nitong aktres. Matagal na umanong magkaibigan ang dalawa ngunit ngayon lamang nila naramdaman ang espesyal na pagtitinginan sa isa’t-isa.
Nilinaw ni John Lloyd na hindi naman daw talaga nila itinanggi ni Angelica ang kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa. Naniniwala ang aktor na may hangganan pa rin pagdating sa kung ano ang pwede nilang ibahagi sa publiko at sa media. Wala naman daw talagang dapat pagtaguan ang aktor at si Angelica Panganiban. Aminado si John Lloyd Cruz na hindi siya bukas pagdating sa mga taong nagtatanong ng mga detalye patungkol sa kanilang relasyon ng dalaga.
Balitang ginawan pa ni Angelica ng isang awitin ang kaniyang nobyo na maaari umanong ilabas sa darating na special brithday celebration ng dalaga sa kaniyang gag show. Bukod dito ay lumabas ang isang video kung saan nakitang malambing na nagkukuwentuhan ang magkasintahan at ibinahagi ang dahilan ng kanilang kasiyahan. Makikita rin dito ang paghalik ng aktor sa kamay ni Angelica Panganiban. Kasalukuyang may pelikulang pinagbibidahan ang magkasintahan na magsisilbing bahagi ng ika-20 anibersaryo ng Star Magic.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment