SERYE NINA SHAINA AT JAKE, MALAPIT NANG MAGTAPOS

Sa Nobyembre 16 (Biyernes) na ang finale ng isa sa pinakamatagumpay na afternoon series ng ABS-CBN na "Kung Ako'y Iiwan Mo." Mula nang umere ang Kapamilya Gold teleseryeng pinagbibidahan nina Shaina Magdayao, Bangs Garcia, Ron Morales, at Jake Cuenca noong Abril, patuloy na itong mainit na sinuportahan ng afternoon televiewers, dahilan upang ma-extend ito. At matapos ang halos pitong buwan na pagsubaybay ng buong sambayanan, nakatakda nang magtapos ang masalimuot na kuwento ng magkakaugnay na buhay nina Sarah (Shaina), Paul (Jake), Rino (Ron), at Mia (Bangs). Sa huli, ano nga ba ang mananaig--ang pag-ibig na itinakda o ang matinding silakbo ng pusong naghihiganti? Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng "Kung Ako'y Iiwan Mo," araw-araw, pagkatapos ng "Angelito: Ang Bagong Yugto" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment