Ang peliluka ay kwento ng tatlong ambisyosong filmmakers na gagawin ang lahat magakaroon lang ng exposure sa mga international film festivals. Kaya naman kukunin nila ang karakter ni Eugene Domingo upang magbida sa kanilang indie film.
Ang bida sa "Ang Babae Sa Septic Tank" na si Eugene ay nanalo bilang People's Choice sa katatapos lang na 6th Asian Film Awards.
Bago ang nasabing tagumpay, nauna nang nakatanggap ng mga nominasyon "Ang Babae Sa Septic Tank" sa ika-42 na Berlin Intertational Film Festival para sa Best Feature Film at Cinema Fairbindet, pati na rin sa Vancouver International Film Festival para sa Dragons & Tigers Award for Young Cinema.
Naimbitahan din ang pelikula sa ilang malalaking filmfests tulad ng Hawaii International Film Festival, Busan International Film Festival, Udine Far East Film Festival at Tokyo International Film Festival.
Nakatanggap rin ng magagandang reviews ang pelikula mula sa ilang kilalang film critics. Ani Yasminka Lee ng Asia News Network "Ang Babae is brilliant because it is a commentary on this obsession for poverty porn by being humorous and thought-provoking at the same time."
Kasama sa gaganaping pagdiriwang sa Boracay sina John Lapuz at Cai Cortez, na siyang mga host. Tiyak na mage-enjoy ang buong pamilya, lalo't exciting na mga palaro ang inihanda ng Cinema One at may mga fire dancers din, pati na rin ang grupong Patikeros.
Dadalo rin sa masayang beach party ang mga hotties na sina Jake Cuenca at Megan Young, habang magpe-perform naman ang Callalily na ang bokalista ay isa sa mga lead actors sa "Ang Babae Sa Septic Tank" na si Kean Cipriano. Ang party music sa event ay handog naman ni DJ Mars Miranda
Ang Cinema One ay available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators sa buong bansa. Para sa iba pang impormasyon, mag-logon sahttp://www.facebook.com/Cinema1channel
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment