Magnilay-nilay at patatagin ang pananampalataya ngayong Semana Santa. Handog ng ABS-CBN ang ilan sa nakakaantig nitong specials, drama at pelikulang tatak Star Cinema at maging mga dokyumentaryo simula Huwebes Santo (Abril 25) hanggang Biyernes Santo (Abril 26).
Simulan ang paglalakbay sa pagtuklas ng "Mga Kuwento Sa Lupang Pangako" na nilikha ng Jesuit Communications Foundation. Tampok dito ang dalawang dokumentaryong "Sa Mga Yapak Ni Hesus" at "Ang Makabagong Disipilo" na parehong kinunan sa Israel.
Kwento ang "Sa Mga Yapak Ni Hesus" ng mga Pinoy na peregrino na naglakbay papuntang Holy Land sa pamumuno ng kanilang pilgrimage master na si Manila Archbishop Chito Tagle. Sa halip na talakayin ang pagpapakasakit at pagkamatay ni Kristo, ipaiintindi sa kanila ng arsobispo ang tagumpay na hatid ng muling pagkabuhay ni Hesus at kung anong maidudulot nito sa hinaharap. Ang dokumentaryong ito'y ilalahad ng beteranang broadcast journalist na si Cheche Lazaro. Tunghayan ang "Sa Mga Yapak Ni Hesus" sa Huwebes Santo (Abril 5), 12p.m.
Sa "Ang Makabagong Disipulo" naman, kilalanin ng husto si Fr. Luis Antonio "Chito" Tagle na ngayo'y arsobispo na ng Maynila. Ang dokyumentaryong ito, kung saan host ang ABS-CBN anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo, ay maglalahad ng mga paglalakbay ni Fr. Chito bilang alagad ng Diyos. Ipapakita rin ang kanyang kauna-unahang paglalakbay sa Holy Land ilang linggo matapos siyang maging pari. Ito'y ngayong Biyernes Santo (Abril 6), 5p.m.
Kasama rin ang ABS-CBN sa pagbabahagi ng ilang sa mga Katolikong tradisyon tulad ng "Lenten Recollection" sa Abril 5, 3:30p.m., "Celebration of the Lord's Supper" sa Abril 5, 1:30p.m. Sa Biyernes Santos, samahan ang buong bansa sa pakikinig ng "7 Last Words" ni Hesus, 3p.m., na agad susundan ng "Veneration of the Cross", 4p.m. Salubungin din ang Linggo ng Muling Pagkabuhay sa "Easter Vigil" sa Sabado de Gloria, 11:30p.m
Samantala, ipapalabas din ang ilan sa mga episodes ng "Maalaala Mo Kaya" na nagpaluha at nagbigay-inspirasyon tulad ng "Krus" sa Abril 5, 7p.m., "Tsinelas" kung saan tampok ang namayapang aktor na si AJ Perez sa Abril 6, 7p.m. at "Traysikel" sa Abril 7, 7p.m.
Si Korina Sanchez naman ay ihahandog ang dalawa sa "Rated K" episodes niyang milagro ang tema sa Abril 5 at 6, 6p.m., at maging ang "Kwento Ng Buhay Ko" episode na finalist sa New York Festival sa Abril 7, 6p.m.
Ilan sa di-makakalimutang dokumentaryo ng "Krusada" at "Patrol ng Pilipino" ang mapapanood din Samahan ang premyadong mamamahayag na si Tina Monzon-Palma tampok ang mga taong nalapampasan ang malalaking pagsubok sa buhay dahil sa pananalig sa Panginoon. Si Abner Mercado naman ay aalamin ang kalagayan ng mga matandang preso sa pagtutok niya sa tatlong inmates na umasang mapapalaya noong Disyembre, ngunit hindi napagbigyan at ngayo'y nasa Correctional Institution for Women (CIW) pa rin.
May Star Cinema favorites din na kukumpleto sa Semana Santa kung saan kasama ang buong pamilya. Abangan ang "Dubai" sa Abril 5, 10a.m., "I'll Be There" sa Abril 5, 10:30p.m., "Ang Tanging Yaman," Abril 6, 10a.m., "Sa'yo Lamang," Abril 6, 8:30p.m., "Paano Kita Iibigin," Abril 7, 10a.m., at "Till My Heartache Ends," April 7, 8:30p.m.
Gawing makabuluhan ang iyong mahal na araw, tumutok sa ABS-CBN. Para sa iba pang impormasyon, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment