Maka-bonding ng personal si Wako Wako kasama pa ang ibang naglalakihang stars ng fantaserye at ng "Luv U," "TODA Max" at "Banana Split" sa pinaka-aabangang mall tour ngayong Sabado (Marso 31) sa Marquee Mall, Angeles City, Pampanga.
Pinagmagatang "Luv U Wako Wako TODA Max Na 'To," ang mall tour ay magtatampok sa exciting na mga performances nina Yogo Singh, Abby Bautista, Kyle Ang, Ruther Urquia, Markki Stroemb at Franco Daza ng "Wako Wako;" Jobert Austria at Alex Calleja ng "TODA Max'" Kiray Celis, Miles Ocampo, Angeli Gonzales, CJ Navato, Marco Gumabao, Igi Boy Flores at Rap Salazar ng "Luv U;" at sina Melai Cantiveros at Jason Francisco ng "Banana Split.
Inaanyayahan ang lahat sa event na ito na magdala ng mga educational toys na maaring i-donate sa e-Media program ng ABS-CBN Foundation Inc. (AFI). May mga "Wako Wako" T-shirts din na ipagbibili sa venue.
Ang "Wako Wako" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging 'da best' sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Tunghayan ang "Wako Wako," gabi-gabi sa Primetime Bida. Para sa iba pang impormasyon, i-like ang http://www.facebook.com/pages/Wako-Wako . By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment