Bonggang salubong sa buwan ng Mayo ang inihanda ng "ASAP 2012" ngayong Linggo (Mayo 6) kasama ang ilan sa mga pinakamalalaking pangalan sa industriya ng showbiz.
Magkahalong kilig at katatawanan ang hatid ng mga bida ng mga bagong pelikulang ipalalabas ngayong summer kabilang ang "Every Breath You Take" lead star na si Piolo Pascual at cast members ng "The Mommy Returns" na sina Gaby Concepcion, Ruffa Gutierrez at Pokwang. Dapat ring abangan ang pagbati ng cast ng pinakabagong fantaserye ng Primetime Bida na "Aryana" na pangungunahan ng bida nitong si Ella Cruz kasama ang buong cast na sina Pokwang, Bianca Manalo, Chokoleit, Tonton Gutierrez, Paul Salas, Amy Nobleza at Aria Clemente.
Hindi rin dapat palampasin ang engrandeng "ASAP 2012" summer parade kasama ang young superstar na si Judy Ann Santos; ang mga "Junior Master Chef" kids na sina Kyle Imao, Mika Tanaka, Caitlin Taluban, at Louise Mabulo; at ang mga "Goin' Bulilit" kids na sina Joshen Bernardo, Clarence Delgado, Izzy Canillo, Timothy Chan, at Barbie Sabino. Tiyak namang kikiligin ang lahat sa espesyal na handog ng "Princess and I" lead stars na sina Kathryn Bernardo, Khalil Ramos, at Daniel Padilla.
Isang makapigil hiningang performance naman ang ihahatid ng multi-media star na si Toni Gonzaga na tiyak na hahangaan ng lahat.
Muli namang mapapabilib ang lahat sa relaxing na boses nina ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Christian Bautista, Erik Santos, Yeng Constantino at Anja Aguilar sa A-Tunes; award-winning performances ng Kapamilya Champs na sina Marcelino Pomoy at Jed Madela; at ang nakatitindig-balahibong performances nina Nikki Gil, Zia Quizon, ASAP Sessionistas, at ng Maasinhon Trio.
Magtatagisan naman ng galing sa pag-indak sina Kim Chiu, Cristine Reyes, Erich Gonzales, Shaina Magdayao, John Prats, Rayver Cruz, Gab Valenciano, Iya Villania, Enchong Dee, Empress, at Bugoy Drilon sa ASAP Supahdance.
Samantala, panibagong kuwento ng inspirasyon at pag-asa na tiyak na tatagos sa puso ng TV viewers sa ibabahagi ni Mr. Pure Energry Gary Valenciano sa kanyang segment na 'With Love, Gary V.'
Maki-party at makisaya sa pinakamakulay na summer fest sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na "ASAP 2012" ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-'like' ang http://facebook.com/asapofficial. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment