Ipinagmamalaki ng Cinema One na ihayag ang line-up para sa Cinema One Originals 2012. Nasa ika-8 taon na ng Cinema One Originals at ito ay mula sa numero unong cable channel sa bansa. Ang pinakahihintay na kaganapang ito taun-taon ay naglalayong maipakita ang talento at magkakaibang tinig ng local independent cinema. Masusing pumili mula sa mga isinumiteng entries ng Cinema One Originals 2012 ang Selection Committee members na sina Teddy Co, Sherad Anthony Sanchez, Veronica Velasco, Jennifer Laurel, Oggs Cruz, Raymond Diamzon, Raymond Lee, Kathleen Pador at Ronald Arguelles. Ang mga nanalo mula sa nakalipas na mga taon ay nakatanggap ng mga pagkilala mula dito at sa ibang bansa, hinirang at nanalo din ng mga parangal sa iba't ibang film festivals sa buong mundo.
"Tumataas ang antas ng Cinema One bawat taon. Ito ay patuloy na tumutuklas ng mga bagong talents at nagpapalabas ng mga orihinal na Pilipinong pelikula. Ang Cinema One Originals ngayong taon ay inaabangan dahil maryoon kaming pitong first-time feature length debuts at tatlong dramatic themes na pinangungunahan ng mga world-class na direktor na kabilang sa Php 2M budget. Mas marami kaming ipapalabas ngayong taon. Kahit na mas marami ang igugugol na oras dahil dito, sulit naman dahil ito ay para sa ikasisiya ng lahat," ayon sa Cinema One Channel head Ronald Arguelles.
Para sa taong ito, tatlo ang ginawaran ng Php 2M para sa production budget at sampu naman ang ginawaran ng Php 1M. Tinatayang magsisimula ang produksyon ng mga pelikula ngayong buwan.
Ang tatlong finalists para sa Php 2M budget ay ang: MARIPOSA SA HAWLA NG GABI ni Richard Somes na tungkol sa isang babae na patuloy ang paghahanap sa kanyang nawawalang kapatid; LOURDES ni Adolfo Alix Jr. ay tungkol sa tipikal na ina na may kakaibang hanap-buhay; BAYBAYIN ni Auraeus Solito ay tungkol sa magkapatid na umiibig sa iisang lalaki;
Ang sampung finalists para sa Php 1M ay: ANG PAGLALAKBAY NG MGA BITUIN SA GABING MADILIM ni Arnel Mardoquio ay tungkol sa paglalakbay ng isang batang lalaki matapos mabaril ang kanyang mga rebeldeng magulang sa isang engkwentro; CATNIP ni Kevin Dayrit ay isang psychological film tungkol sa dalawang magkaibigan na bagamat magkaiba sa maraming bagay ay magkasundong nagsasama; MELODRAMA NEGRA ni Ma. Isabel Legarda ay sinusundan ang buhay ng tatlong patay na tao na maraming mga maibubunyag na katotohanan tungkol sa City of Stars – Quezon City; SLUMBER PARTY ni Emmanuel Dela Cruz ay isang komedya tungkol sa initiation sa fraternity at homosekswalidad ; PASCALINA ni Pam Miras ay kwento ng isang simpleng babae na matapos dalawin ang kanyang tiyahin ay makakaranas ng mga pagbabago sa kanyang buhay; ANAK ARAW ni Gym Lumbera ay tungkol sa ilusyon ng isang albino na naniniwalang anak siya ng isang Amerikano. Pag-aaralan niya ang wikang Ingles pero sadyang hindi yata ito para sa kanya; MEKANIKO NI MONICAni Cesar Hernando tungkol sa isang lalake noong 50's na naiipit sa pagitan ng pagmamahal sa bansa at sa bagong babaeng nagpapatibok ng kanyang puso ;ABERYA ni Christian Linaban ay tungkol sa pag-ibig at kamunduhan na magbubuklod sa buhay ng apat ng tao na biglang magbabago dahil sa isang gabi ; PALITAN ni Ato Bautista ay tungkol sa tatlong puso na makukulong sa isang "love triangle" ; at MAMAY UMENG ni Dwein Baltazar ay tungkol sa isang 84-year-old na babae na mag-isa na lamang sa buhay kaya naman hindi mahabang buhay ang ipagdarasal niya kundi ang mabilis na pagtakas.
Ngayong Nobyembre, 2012, ang mga pelikulang ito ay ipapalabas sa publiko at maglalaban-laban para sa Cinema One Originals 2012 awards night. Para sa detalyadong impormasyon tungkol dito, pumunta sa opisyal na Facebook Fanpage ng Cinema One Originals, www.facebook.com/pages/cinema-one-originals/193194883486 By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment