Bumubuhos ang pag-ibig ngayong Mayo dahil pagkatapos ng ilang linggo ay araw na ng mga ina. Pero tandaan, ipakita natin ang pagmamahal at pasasalamat sa ating mga ina sa lahat ng oras at hindi ngayong buwan lamang.
Sa ating "LUV U" barkada, hindi lang pagmamahal sa magulang ang ipapakita dahil matagal na nilang naimbunyag ang kanilang mga nararamdaman sa isat-isa lalo na sa episode ngayong linggo.
Mahuhuli ni Lola Paula (Joy Viado) na nag-kiss sina Boom (CJ) at April (Angeli). Makakapagbitiw sya ng masasakit na salita at dahil dito, maglalayas si April kasama si Boom papuntang Baguio.
Sa tulong ni Mang Ariel, makakasunod nina Camille (Miles), Whitney (Kiray), JB (Marco) at Rocky (Igi Boy Flores) sakay sa van ni Principal Spencer ngunit sa pagmamadali ay nakalimutan ni Mang Ariel na natutulog sa likod ng van si Principal Spencer.
Masusundan ng barkada sina April at magkikita-kita sila sa Baguio Country Club kung saan ay andun na din si Lola Paula. Paano kaya haharapin ni Boom at April ang mga kaibigan at si Lola Paula? Maaayos kaya nila ang lahat bago mag Mother's Day?
Tunghayan sa "Luv U" tuwing Linggo, pagkatapos ng "ASAP 2012" sa ABS-CBN. Para sa mga updates, i-follow ang @LUVUBarkada sa Twitter, o i-like ang official Facebook page:http://www.facebook.com/LUVUBarkada By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment