Hindi kumpleto ang Bangkok adventure nina Kuya Kim at Melai kung hindi nila makikita ang mga naggagandahang elepante ng Thailand. Kaya naman bonding kasama ang dambuhalang hayop na ito ang hatid nila sa ikatlong bahagi ng espesyal na anniversary episode ng "Matanglawin" ngayong Linggo (May 6).
Ang mga elepante ay napakaimportanteng parte ng buhay ng mga Thai. Sa katunayan, ang puting elepante ay itinuturing na sagrado para sa kanila. Kaya naman bilang pagpupugay ay ipagluluto sila ni Melai ng isang espesyal na putahe. Pumasa naman kaya ito sa panlasa ng mga elepante?
Sa pagbisita nila Kuya Kim at Melai sa mga elepante, malalaman nila na hindi lamang nagmamartsa ang mga ito, kung hindi sumasayaw din. Ano kaya ang mangyayari kung hahamunin nila ang mga ito pagdating sa indakan?
Ang "Matanglawin" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga pogramang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging "da best" sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Makisaya sa huling hirit ng "Matanglawin" sa sa kanilang anniversary special sa Bangkok ngayong Linggo (May 6), 9:15 AM sa ABS-CBN. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment