Kamakailan lang ay tumulak ang buong pwersa ng "Goin' Bulilit" sa Laoag City, Ilocos Norte para sa isa sa mga summer episodes ng programa.
Ngayong Linggo sa "Goin' Bulilit," pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" sa ABS-CBN, handa na ang mga Bulilit para ibahagi ang kanilang di-makakalimutang pagbisita sa Laoag.
Sa katunaya'y nag-coutesy call pa ang mga batang artista sa kapitolyo ng lalawigan kung saan sila'y hinarap ni Vice Gov. Angelo Marcos-Barba. Tuwang-tuwa ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa mga cute na Bulilits, kaya naman sinamantala na nila ang pagkakataon at nagpa-picture sa mga ito.
Samantala sa kanilang Laoag episode, isang nakakatawang spoof ng "Walang Hanggan" ang handog ng mga Bulilits. May mga gags din sila na kinunan sa mga makasaysayang pook sa Laoag.
Ang "Goin' Bulilit" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging 'da best' sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Para sa mga updates, mag-logon sa www.bidabestkid.com o i-like ang Facebook page ng Goin' Bulilit: http://www.facebook.com/goinbulilit.tv By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment