Ayon sa isang survey ng kilala't pinakapinaniniwaalaang custom market research company na TNS, si Robin ang nanatiling paboritong TV at movie personality ng mga kabataang Pilipino at maging ng mga young adults.
Sumunod kay Robin ang isa pang bida sa "TODA Max" na si Angel Locsin na kamakailan lang ay tumanggap ng parangal para sa kanyang natatanging pagganap sa "In the Name of Love."
Batay ang resulta ng survey mula sa 1,200 na face-to-face interview sa kabataang Pinoy na may edad 18 hanggang 24 sa buong bansa mula sa antas A, B, C, D ate E.
Ani ng nasabing research firm, mahalaga para sa anumang kumpanya na malaman ang hilig ng mga kabataan at young adults, lalo't sila ang bumubuo ng 16 na porsyento at siyam na porsiyento ng populasyon ng bansa.
Samantala, ngayong Sabado sa numero unong sitcom na "TODA Max" dadayuhin nina Tol (Robin) at Justin (Vhong Navarro) ang probinsya ni Isabel upang mamanhikan. Pressured si Justin na makuha ang basbas ng hilaw na biyenan na si Tatay Mac (Al Tantay) dahil sa di-magandang pagtatagpo nila noon dito sa Maynila. Kaya naman lahat ng makalumang paraan ng pamamanhikan ay gagawin ni Justin sa tulong ni Tol. Manalo din kaya si Justin sa puso ng pamilya ni Isabel?
Tunghayan ang "TODA Max," pagkatapos ng "Maalaala Mo Kaya" sa ABS-CBN. Para sa mga updates, i-like ang TODA Max sa Facebook: http://www.facebook.com/pages/Todamax By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment