Kalunus-lunos ang sinapit ng pamilya Agullo na minasaker ng isa diumanong lulong sa droga na naudyok na patayin ang mag-anak na may-ari ng negosyong video karera dahil hindi ito pinautang ng P200.
Sa susunod na Biyernes (Abril 27) naman, masasaksihan ang serye ng krimen sa Laguna simula pa noong Mayo ng nakaraang taon na umano'y tatlong kalalakihang adik ang may gawa. Kabilang na rito ang pangho-holdap, carnapping, at pagpatay sa pamamagitan ng pag-chop chop. Dahil sa isang impormante, natugis ng kapulisan ang tatlong kriminal na katatapos lamang ng shabu session.
Abangan ang mga kuwento sa likod ng mga krimeng ito bukas (Abril 20) at sa susunod na Biyernes (Abril 27) kasama si Gus Abelgas sa "SOCO: Scene of the Crime Operatives" pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN, o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment