Ngayong Sabado (Apr 21), bubusisiin ni Ted Failon ang naglipanang travel promo fares at ang mga idinadaing ng mga pasahero dahil umano sa hindi malinaw at nakakalitong patakaran ng mga ito.
Bugbog ng reklamo ang mga kumpanyang nag-aalok ng ganitong serbisyo kung kaya't ngayong taon pa lang 41 kaso na ang naitalang kasong isinampa laban sa mga airline companies batay sa pag-aaral ng Civil Aeronautics Board (CAB). Ang bilang na ito ay higit sa kalahati ng kabuuang bilang ng lahat ng mga reklamo sa taong 2011.
Alamin kay Ted kung hinahanapan ba ng solusyon ng pamahalaan ang nasabing problema. Paano nga ba makakaiwas sa mga aberyang dala ng mga mapanlokong promo?
Tunghayan ang buong report ni Ted Failon ngayong Sabado (Abril 21) sa "Failon Ngayon," 4:30 p.m. sa ABS-CBN. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment